Diary 16

157 4 0
                                    

Dear Diary,

Hayup ang bestfriend ko! Ilang araw ko na nga siyang tinataguan at hindi ko rin sinasagot ang mga tawag niya pero nacorner pa rin niya ako.

Nagutom na kasi ako kanina at wala akong choice kundi pumuntang cafeteria. Wala si boss nun dahil kasama niya si Madam mag-lunch. Sinasama nga ako ni Madam pero tumanggi ako sabi ko busog pa ko at may gagawin pa.

Sana nga sumama na lang ako. edi sana hindi ako nahuli ni Marie nakasama ko pa si boss.

Ayun nga, ang gaga kong bestfriend tinanong ang status namin ni Sir Paul. Kahit ayokong magkwento ay wala naman akong nagawa. Ang kulit kulit niya. pinagbantaan ba naman akong sasabihin niya kay Sir Paul na mahal ko na yung tao at miss na miss ko na.

Magandang ideya nga yun para hindi ko na kailangan pang umamin. Ang kaso diary nakakahiya eh. paano kung mareject ako? sa harap pa ng bestfriend ko? ang saklap naman nun diba?

So wala akong choice kundi ikwento ang mga nangyare simula ng dumating si boss.

nalungkot nga siya dahil akala niya kami na talaga. eh anong magagwa ko? sadyang pa-fall lang siya.

okay na sana lahat ang kaso ang gaga kong bestfriend ay sinisi sakin ang lahat. pakipot daw kasi ako. kaya magdusa daw ako. 

bwisit siya! di ko alam kung bestfriend ko ba talaga siya or mortal enemy.

Isang bagay lang naman ang kinasaya ko sa pag-uusap namin. Yun ay nang sabihin niyang kung bumalik na daw sa dati ang boss ko nasaan daw ang mga babae niya?

after kasi nung nakita kong magandang babae na katawanan niya dati ay wala ng mga babaeng dumating pa.

Sa tingin mo diary may pag-asa pa kami? Eh bakit hindi pa rin siya bumabalik sa dati eh ilang araw na?!

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon