Journal 21

196 6 0
                                    

Dear Diary,

Sobrang kaba ang naramdaman ko kanina dahil na rin sa makikilala ko na ang boss ko.

Nabrief na rin ako sa mga gagawin ko. Hindi naman masyadong busy ang schedule ni Madam pero kailangan pa rin niya ng secretary na makakasama niya at magreremind ng mga gagawin niya.

Humiram lang ako ng office attire kay Marie. Bibili na lang ako ng bago kapag sumahod na ko. tipid tipid muna dahil wala pang pera.

Alam mo diary halos tumalon ako sa kagalakan ng malaman ko na si Madam ng mansyon pala ang Madam ng Lalopez Corp. Maging siya ay nagulat ng malamang ako pala ang bago niyang sekretarya.

Naging maganda tuloy ang unang araw ko sa trabaho. Nagiging maganda na ang tadhana ko diary. Sana magtuloy tuloy na to!

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon