Dear Diary,
Hindi ko alam na sikat pala talaga si Paul. Isa siyang business man alam ko, pero bakit parang artista ito kung habulin ng media.
Usapan sa floor namin kanina ang pagdagsa ng media para kumuha ng pahayag about sa issue ng bagong relationship niya. Marame ang nagulat dun. Yung iba ay wala namang alam nung una pero naging interesado ng magkaroon ng media sa Lalopez Corp.
Kumalat na rin na ako ang girlfriend ni Sir Paul pero may memo na dumating na sinasabing wag magbibigay ng kahit anong information about sa relasyon namin lalong lalo na sa akin. Anyone who will caught will be fired. Grabe diba?
Hay wala naman akong balak ipagkalat ang relasyon namin ni Paul sa opisina dahil ayokong may masabi ang mga workmates ko pero malabo na yung mangyare dahil kami ang laman ng balita sa buong Corporation.
Nabasa ko nga sa isang article online na nagbigay na daw ng pahayag yung Veronica Samonte na yun. She said she's happy now at masaya din daw siya para kay Paul.
why didn't I met that Veronica Samonte? Sa dame ng babaeng pumupunta sa office niya noon ay never kong nakita si Veronica Samonte. ayun sa nabasa ko ay kakabreak lang nila 6 months ago.
Yung mga panahon na yun ay nililigawan na niya ako. ako ba ang rason ng paghihiwalay nila? pero diary marame na siyang babae noon pa. so ibig sabihin may girlfriend siya tapos may mga babae pa siyang sideline?
don't tell me ganun din siya ngayong kami na! Aba oo nga no. bakit ngayon ko lang naisip yun?
humanda talaga siya sakin kapag niloloko niya ako!
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.