Dear Diary,
bakit naguguilty ako? Sabi ko kasi kay boss na ihatid na niya ko kaagad sa school at wag na kaming mag dinner dahil maaga ang exam ko.
Nag drive thru na nga lang kami sa Mcdo dahil pinilit niyang kailangan kong kumain.
Naguguilty ako kasi tinawagan ko si Sir Kade kanina at sa kanya ako humingi ng tulong sa accounting ko. Sabi ko turuan niya ko.
Pumayag naman siya at sinabi kong sa coffee shop na lang malapit sa school ko kami magkita. Nagtaka nga siya bakit doon pa pero ng makita niya daw akong inihatid ni boss ay alam na niya.
Alam ko namang mag-aaway lang silang magpinsan or kaming dalawa ng boss ko kapag nahuli kami nun na magkasama.
diba nga mahigit isang linggo kaming hindi nag-usap dahil lang nag-away kami na ang pinagmulan ay ang pagpapaplayo niya sakin sa pinsan niya.
Naguilty ako dahil sabi ni Sir Kade sakin kanina na dapat daw pinaalam ko na lang kay Sir Paul na magpapaturo ako sa kanya kesa nagsinungaling pa ko. Hindi daw healthy yun sa realtionship.
dineny ko naman na kami pero tumawa lang si Sir Kade. hay diary ang gwapo din talaga ni Sir Kade eh. lalo na pag tumatawa. Pero syempre mas gwapo pa rin ang boss ko pag ngumiti. na madalang lang niyang gawin. seryoso kasi masyado yun sa buhay eh.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.