Journal 3

815 9 1
                                    

Dear Diary,

Buti na lang mabait ang best friend kong si Marie at pinayagan niya muna akong makitira sa kanya.

Wala pa akong pambayad sa bago kong titirhan. 1 month advance 1 month deposit ang hinihingi nila eh kahit pisong duling wala ako. Ang hirap talagang maging mahirap.

Pinalayas na ko ng landlady ko. 

Matapos kong mapagod kakalakad para makahanap ng trabaho nadatnan ko na lang sa labas ng unit ko ang mga gamit ko.

Sinubukan kong makiusap ulit, ang kaso galit na galit na siya. Kulang na lang ay bumuga siya ng apoy at maglabas ng usok sa butas ng ilong at tenga niya.

May TV, electric fan, mini ref at may mga kagamitang pangkusina pa ako dun sa loob pero hindi na niya pinayagang kunin ko yun. Bayad na daw yun sa tatlong buwang renta ko at sa pagpapasakit ng ulo niya.

Buti pa siya kahit pagsakit ng ulo niya may bayad din, samantalang ako masakit na hindi lang ulo kundi buong katawan ko pero nganga pa rin.

Bakit ba ganito ang buhay ko? Buti na lang di pa rin nagsasawa ang best friend ko sa tragic life ko. Kundi sa kangkungan ako pupulutin.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon