Dear Diary,
Nakatanggap ako ng mga regalo. Marame nga eh. Nakakatuwa. Lahat naman sila ay binigyan ko rin ng regalo. Di ko naman expected na may marereceived ako sa kanila dahil na rin may pamilya sila.
Ako naman ay wala ng pamilya kaya ang pera ko ay para sa akin na lang. Nabayaran ko na rin ang utang ko kay Marie kaya naman magaan na ang loob ko. Iba kasi sa pakiramdam ang may utang ka kahit sa bestfriend mo pa.
Kaya sa konting pera ko ay binilhan ko ng regalo lahat ang kasambahay nila Madam na tinuturing ko na rin na pamilya.
Naipadala ko na rin kay Marie ang mga regalo ko sa mga kaibigan namin. Sa mga taga opisina naman ay kay Marie ko na rin pinabigay. Mag aala Santa Clause daw siya eh. Pinabayaan ko na lang. Pangarap ata ni bestie yun eh.
Dalawang regalo na lang ang nasa akin. Ang kay Sir Kade at kay Sir Paul. Ang kay Sir Kade ay maibibigay ko na lang siguro kapag pumasok na ko sa January. Yung kay Sir Paul naman di ko pa alam!
Hays! Bakit ko ba siya binilhan! Baka mamaya laitin pa niya ang ibinigay ko. may pagka antipatiko pa naman yung taong yun.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.