Journal 4

585 9 0
                                    

Dear Diary,

Nakakainis! Nakakainis talaga! Napaka antipatiko ng lalaking yun. Mabaog na sana siyang panget siya!

Nakakainis talaga diary eh. Ang ginawa ko lang naman ay tumawid ng kalsada. Naka red light na yun pero pinaharurot pa rin niya ang sasakyan niya.

Akala ko mamatay na ako. Napaupo na nga ako sa daan sa sobrang takot pagkatapos sasabihin niyang nakaharang ako sa daan niya. Paenglish english pa siya!

Kumulo ang dugo ko. Kinatok ko ang bintana niya at sinigaw sigawan siya dahil kahit naman ang dame kong problema ay wala pa akong balak mamatay.

Ang pesteng yun tinakbuhan ako. Pinaharurot niya ang magara niyang sasakyan at iniwan ako sa daan.

Hahabulin ko sana ang kaso malelate na ko sa interview ko at nasa go na ang traffic light.

Sa kanya nagsimula ang kamalasan ko eh dahil hindi na naman ako natanggap sa inaplyan ko. Bwisit siya! Pag nagkita ulit kami humanda siya.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon