Dear Diary,
Kanina ang first day ko sa work. Hindi naman mahirap makisama sa mga andun dahil na rin mababait sila, except kay Noris na galit na galit ata sakin kahit hindi ko naman siya inaano.
Hindi ko pa nakikilala ang mga amo ko dahil nasa bakasyon pa daw sila. Ang mga anak naman nila ay wala rin dito sa bahay. May kanya kanyang condominium daw. Ang yaman talaga nila.
Hindi pa rin ako umaalis sa condo ni Marie. Galit pa rin kasi ang best friend ko. Di ko man masabi na nagsimula na kong magtrabaho. Ang akala siguro niya ay nagresign na ko.
Kailangan ko na siyang makausap. Hindi ko rin kasi matiis kapag galit siya sakin. Siya na lang kasi ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.
Bukas maaga na lang akong gigising para naman makarating agad ako sa mansyong pinagtatrabahuan ko. mahirap ng masesante agad. Naghihirap pa naman ako.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.