Dear Diary,
Nalaglag ang panga ko kanina ng makita sa kumpanya ang antipatikong lalaking kinaiinisan ko.
Naningkit ang mata niya ng makita ako. Sa takot ko ay napatakbo ako. Imbis na mag-elevator ay naghagdan ako para makaiwas sa kanya.
Halata pa rin kasi sa bandang baba niya ang bunga ng suntok ko. Ilang araw na ba ang nakalipas? Lima na. Nangitim na ito at hindi man siya nag-bother na lagyan iyon ng concealer kaya naman nahalata ko kanina. Ganun na ba kalakas ang suntok na nagawa ko at naging pasa? Huhuhu lagot ako nito diary.
Anong ginagawa niya sa kompanyang ito? Hinahanap kaya niya ko dahil sa ginawa ko? Naku kailangan kong masabi ito kay Madam. Kailangan ko ng restraining order. He looks dangerous and unforgiving. Kaso di ko naman yun kilala. Paano pala pag serial killer yun?
Help me diary. Bakit ko ba kasi sinuntok ang kumag na yun? Ah kasi pinaiyak niya ang kaibigan ko. He deserve it naman talaga.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.