Dear Diary,
Nakasalubong ko ang antipatikong tinatakasan ko.
Nakasabay ko siya sa elevator kanina. Halos manginig ang kalamnan ko dahil dun. Iba pala talaga kapag alam mong may kasalanan ka.
If he still remembers me ay di niya pinakita kanina. Nasa pinakadulo kasi ako ng elevator kanina tapos binabati siya ng mga taong nakakakita sa kanya. Sir ang tawag sa kanya.
Big boss kaya siya dito? Kailangan kong malaman ang pangalan niya para naman makaiwas ako.
Kapag nakikita ko kasi siya minamalas ako. Gaya kanina, bagsak ako sa quiz. Iniisip ko kasi siya eh. Walangjo talaga! Ayoko na.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.