Journal 35

171 5 0
                                    

Dear Diary,

Pinagpasalamat ko na off ko ngayon dahil dumating ang mga anak nila Madam. Hinanap nga daw nila ako para ipakilala sa mga anak niya. nawala daw kasi ako bigla ng party. sinabi ko naman na sumama ang pakiramdam ko kaya umiwas ako sa marameng tao.

pinakiusapan ko si Ate Rina na sabihin na umalis ako kahit ang totoo ay andito lang ako sa kwarto maghapon. Ayoko kasi talagang makilala ng tuluyan ang antipatikong anak nila.

Buti na lang at hindi ako sa maid quarters natutulog kundi makikita ng iba na andito ako. 

Di ko ba nasabi na sa bait ni Madam isa sa guest room dito sa baba ng bahay ang kwarto ko.

Wag kang mag expect na sobrang ganda ng room ko. Simple lang ito. kaya tinawag na guest room dahil ang natutulog dito ay mga guest ng mga tauhan dito sa bahay.

Yes diary, sa bait nila madam ay kapag may pamilyang dumadalaw sa mga kasambahay dito o mga tauhan nila ay dito sa guest room nila pinapatuloy.

Mag isa lang ako dito sa kwartong to at nasa dulo ito ng bahay nila. Hindi ko nga alam ang kwarto na to nung nagwowork pa kong katulong nila, lagi kasing sarado ito.

Buti na lang at may mini ref ang kwarto na to kaya nakakapagstock ako ng pagkain at maiinom. Hindi ko na kailangan lumabas ng mansyon.

Diary paano na ko nito? Anong gagawin ko? May atraso pa naman ako sa antipatikong yun. paano na niyan ang buhay ko?

Pero may atraso nga ba ako? Diba nga deserve niya yun. Ang kaso anak siya nila Madam. Ang pinagkakautangan ko ng sobra sobra. paano na ko?

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon