Dear Diary,
Ito ang first time na sinama ako ni Sir Paul sa meeting niya para gumawa ng minutes of conference. Kadalasan kasi iba ang kasama niya.
sabi ko nga ako ang TAGA niya sa marameng bagay. Gaya nalang kanina taga bitbit niya ako ng mga papeles niya at laptop niya.
Okay lang naman sana, ang kaso lang dalawang laptop ang dala ko. Lang yah oh! Para daw diretso na sa laptop ang minutes at wala akong makaligtaan. Takte kung pwede ko lang irecord to gamit ang recorder ay ginawa ko na eh! Pinapahirapan pa ako.
Wag kang maingay diary ah. Ang totoo niya sinulat ko sa scratch paper ang minutes! Duh! Ang hirap kayang mag type ng tuloy tuloy. Mas madali pang magsulat. Ang tinatype ko lang ay mga key words para alam ko ang sunod sunod na pinag uusapan.
May times pa nga na in the middle of the meeting ay mapapatingin siya sakin tapos tataasan ako ng kilay! Antipatiko talaga. nginingitian ko lang siya ng pilit. Di pa rin siguro niya ko napapatawad sa pagsuka ko sakanya at sa pangaral na ibinigay ko nung nalasing ako.
Natapos ang meeting na wala ata sa 100 words ang nasabi niya. Tahimik kuno pero nasa loob naman ang kulo. Tsss!
Pagkabalik namin sa office niya ay bumalik din ang work ko as TAGA niya. Hinabaan ko na lang talaga ang pasensya ko sa mga tumawag na mga babae at hinahanap siya. Bakit ba kasi sa office sila tumatawag? Wala ba silang direct contact with him? Ako ang naaabala eh.
One of these days makakatikim talaga ang mga babaeng yan. Kung pwede ko lang sabihing may girlfriend na si Sir Paul para wag ng mangulit ay sasabihin ko talaga. ang kaso kapag ginawa ko yun baka mawalan pa ko ng work gaya ng pagkawala ng mga pampalipas oras niya. Wala ba talaga siyang seseryosohin? Bakit ba siya lumaking ganyan? Malayong malayo kay Ser eh. Ang bait kaya ng tatay niya.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.