Journal 68

148 7 0
                                    

Dear Diary,

May natanggap akong regalo. Sapatos na napakaganda at eleganteng tignan. Hindi nakalagay kung kanino galing. Basta pinadeliver lang at nakapangalan sakin.

Natakot nga ako nung una na baka bomba ang laman pero safe daw sabi ng nagdeliver. Hindi naman daw sila magdedeliver ng mga bomba o kung ano pa man.

Maganda ang pagkakabalot at binuksan ko pa ito ng andyan si delivery boy. mahirap na baka nga kung ano ang laman. wala pa rin akong tiwala.

Nagulat ako ng isang mamahaling sapatos ang laman nito. Pilit kong inalam kung kanino galing ngunit hindi masabi ni kuya kung sino.

Tinanggap ko na rin ito dahil para sakin naman. May card din kasama na binabati ako ng maligayang pasko.

Ang tanong nga lang ay kung kanino galing. Sabi nila Ate Rina ay baka galing daw sa admirer ko. Wow! Ang ganda ko naman.

In fairness mayaman ang nagbigay nito. Alam kong mahal ang tatak nito. Sino kaya? sana ang prince charming ko na.

At teka lang pala diary! Paano niya nalaman na dito ako nakatira? Wala naman akong pinagsabihin ng exact address ko.

OMG! May stalker ako!

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon