Journal 47.3

146 7 0
                                    

Dear Diary,

Pwede bang ipakain mo na ko sa lupa? Hindi ko kinaya ang pagkikita namin ni boss kanina.

 Sinubukan ko namang magtago ng makita ko siyang papalabas din ng mansyon. ang kaso wala akong mapagtataguan nung oras na yun. parang tanga lang akong umikot sa kinatatayuan ko.

Wala naman akong balak lumabas ng kwarto. Kaya lang kailangan kong mag grocery para sa buong linggo. Every Sunday kasi talaga ang pamimili ko dahil nilalaan ko ang Sabado sa paglilinis ng kwarto ko, paglalaba at pamamalantsa. 

Nang magtama ang mga mata namin ay agad akong ngumiti ng pilit. Tinaasan pa nga niya ko ng kilay, antipatiko talaga.

Aalis na nga sana ako ng maalala ko ang mga kwento ni Ate Rina kaya naman humingi ako ng tawad sa mga nasabi ko kagabi sa kanya dahil sa kalasingan ko. Di ko naman sinasadya yun. Ganun pala ako malasing, nagiging madaldal. At least ngayon alam ko na. Hindi na ko iinom ulit ng hindi ko kaya. 

Ayoko namang magalit siya sa mga nasabi ko at baka mawalan ako ng trabaho. Kailangan ko pa naman ng pera dahil nag-aaral pa ako.

Pinagsabihan naman niya ko na sa susunod na malasing ako ay pababayaan na raw niya ko. As if naman iinom pa ulit ako? Duh! Kasalanan kaya ng mga kaibigan niya ang nangyare sakin. Lalo na siya dahil pinapunta punta niya pa ko dun para lang maging chimi-aa niya.

Kainis! kelan kaya darating si Madam para bumalik na ko sa pagiging secretarya niya at ng maiwan ko na tong antipatikong gwapong malanding to! Hmmmp. Did I write gwapo? Awww erase erase yun diary!

Okay baka magalit ka. Sige na gwapo na siya pero di ko siya gusto ah. Sinasabi ko lang. Kahit sayo na siya diary basta akin lang si Sir Kade.

Magkaiba talaga yung magpinsan na yun. Kanino kaya nagmana si Sir Paul? Baka sa sama ng loob no? Pero sa ugali at itsura ni Madam hindi naman siya mukhang nagtatanim ng sama ng loob. 

Hay naku diary napaka antipatiko kasi niya. Alam mo ba nung lumabas ako para nga mag grocery ay yun din ang pag-alis niya ng mansyon.

Nilakad ko papuntang gate ng subdivision. Ganun naman ako lagi para makatipid. Alam mo bang hinintuan ako ng boss ko na yun at tinanong kung saan ako pupunta.

Ang saya ko pa namang sabihing mag grocery ako. Akala ko, akala ko talaga diary na isasabay niya ko kahit hanggang gate lang. Pero hindi! iniwan niya ko.

Nagtanong tanong pa siya kung wala naman pala siyang balak isabay ako. Pesteng antipatiko yun. Sana pumanget at tumaba siya. Kaasar!

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon