Journal 20

201 5 0
                                    

Dear Diary,

Andito na naman ako sa condo nila Marie. Dito muna ako hanggat wala pa akong nahahanap na murang matitirhan.

Bukas ko na makikilala ang Madam ng Lalopez Corp. nanliliit nga ko sa sarili ko dahil kahit secretarial course ay wala ako tapos ako pa ang natanggap sa mga nag apply. Pero sabi ni Marie magaling naman daw ako at madaling matuto.

Sabi din ng HR nila hindi naman mapili si Madam basta mapagkakatiwalan at alam ang ginagawa ay ayos na sa kanya. Natuturuan naman din kasi.

Sa pagkakadescribe nila kay Madam ay naalala ko ang Madam ng masyon. Sana lang magkasimbait din sila.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon