Dear Diary,
It's been a month since the last time he walked out on me. Diary isang buwan ko na siyang hindi nakikita.
Nagpunta siya Singapore. Sabi ni Madam may kailangan lang daw siyang ayusin pero babalik din daw kaagad.
Pero isang buwan na siyang wala. Hindi naman ako nawawalan ng balita sa kanya dahil kay Madam. Ako muna ang secretary niya. Si Noris naman ay balik na naman sa mansyon ang trabaho.
Sabi ko nga ako na lang ang sa mansyon magwowork dahil nakakahiya kay Noris. imbis na mapromote siya ay na demote pa. Kapag bumalik na si Sir Paul ay ako pa rin naman ang secretary niya.
Wala naman daw kaso kay Noris yun dahil madalas nga sa ibang bansa si Madam at kapag ganun ay sa bahay lang din siya.
Wala din kaso sakin dahil akala ko sandali lang mawawala si boss. Yung tipong papalamig lang ng ulo sa pag-aaway namin. pero isang buwan na diary.
Pinapaalam naman sakin ni Madam kapag nakakausap niya si Sir Paul. Binabalitaan niya ako tungkol rito. Ewan ko ba bakit ginagawa ni Madam yun pero nagpapasalamat ako dahil may nalalaman ako.
Minsan pa nga naririnig kong magkausap sila. Isisingit ni Madam na kausapin ako ng anak niya pero tumatanggi siya. Alam ko tumatanggi siya dahil napapangiwi si Madam na tumitingin sa gawi ko.
Ilang beses ginawa yun ni Madam na pinagtataka ko na pero ayun ayaw pa rin akong makausap ni Sir Paul.
Naiinis na ko sa kanya ah! Lagot talaga siya sakin pag balik niya.
langya naman diary eh! miss ko na siya. Next time talaga di na ko magsisinungaling. next time talaga hindi na ko gagawa ng desisyon na pagsisisihan ko.
At sana may next time pa diary.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.