Dear Diary,
Diba nakwento ko na sayo diary na one of these days ay mapipigtas din ang pasensya ko?
Well nangyare yun kanina ng may dumating na magagandang babae sa office si Boss.
After lunch ay may dinala si boss na magandang babae at nagkulong sila sa opisina niya. Hindi naman ako tanga para isiping nag uusap lang sila. Naglalandian yung mga yun at baka naka base na naman si Sir or baka naka home run pa kanina.
Hinayaan ko lang sila kasi ang bilin lang ni Sir sakin ay wag na wag akong magpapasok ng kahit na sino. Sino ba naman ako para hindi sumunod?
An hour after, may dumating na isa pang magandang babae at hinahanap si Sir. Sabi ko wala. Pero ang kulit. nagpupumulit pumasok sa office ng boss ko. Girlfriend daw siya kaya may karapatan siya. Aba lahat na lang ng babaeng pumupunta dito ay kiniclaim yun. ang pagkakaalam ko walang girlfriend ang boss ko. feeling girlfriend marame at isa na yung babaeng yun.
Minsan nakakapagtaka na ang mga may pinag aralan ay yun pa ang hirap umintindi. Sinabi na ngang wala ipipilit na meron. Sinabi na ngang bawal gagawin pa rin. Mukhang timang lang.
Sinigaw sigawan ako ng babae na akala mo kung sinong minamaliit ako dahil secretarya lang ang trabaho ko. Aba dun napatid ang pasenya ko at inaway ko din siya. Sinabihan ko na maganda nga pero pinagsisiksikan naman ang sarili sa lalaking hindi naman siya gusto. Sinabihan ko din na sexy pero bumababa ang lebel sa sex toy ng boss ko. Sinabihan kong edukada pero hindi makaintindi.
Ayun kung anu ano rin ang pinagsasabi niyang salita like mahirap lang ako. Panget. Walang modo. Ipapasesante daw niya ko dahil hindi ako marunong kumilala ng tao. Bakit sikat ba siya? I didn't know kasi wala naman akong TV.
Tinanggap ko ang lahat ng sinabi niya dahil nagalit ko siya sa sinabi ko. Nabigla lang din naman ako kaya nakapagsalita ako ng mga ganun pero hindi ako humingi ng sorry. aba niyurakan na ang pagkatao ko tapos ako pa ang hihingi ng sorry? aba matinde.
ang mali ko lang naman ay pinatulan ko siya.
Ayun na nga diary dahil sa inis niya sa blanko kong mukha matapos ng panlalait niya ay bigla na lang akong sinabunutan . OMG nagrambulan kami sa harap ng office ni boss at inawat na kami ng mga empleyadong andun rin. Worst case scenario ay yung paglabas sa pinto ng galit na galit kong boss.
Dun na nagsimula ang drama nung babae na inapi ko daw siya. Di ko napigilan pagtaasan ng kilay ang boss ko ng tinignan niya ko ng masama. Aba naman sa itsura palang namin ako ang dehado. ni hindi nga ko lumaban sa pananakit niya eh. Ako pa ba ang may kasalan kung makitid ang utak at palaaway ang isa sa mga jowa niya?
Sinigaw ng boss ko ang pangalan ko at inismiran ko lang siya. Oo temporary secretary ako pero sumusobra na kasi ang mga babae niya. ibang usapan na yung nasasaktan ako physically. idedemanda ko ng assault ang feelingera niyang girlfriend eh.
Lumabas din ang babae na nasa opisina niya at nagulat sa nakita. Ako naman itong napangisi at inaantay ang gagawin ni boss. Nanonood lang ako kasama ng iba pang empleyado.
Nagka bistuhan kung sino ang girlfriend ni Sir kaya mas lalong nagkagulo. Sinigawan pa ko ng boss ko na tumawag ng guard kesa tumunganga. Napailing na lang ako dahil hindi niya alam ang gagawin sa dalawang babaeng nagsasabunutan na. bagay sa kanya! playboy kasi!
Nang dumating ang security saka ko nakita ang mga babae niya. Wala na sila sa poise. mukha na silang mga baliw na takas sa mental. di ko tuloy napigilang matawa kahit na naiiyak na sila pareho.
"You" turo pa sakin nung babaeng sinugod ako ng walang kalaban laban kanina. Si Ateng na mas maganda ang gumanti para sakin dahil sa itsura niya after ay siya ang dehado.
"What?" Taas kilay na tanong ko pa kanina.
"It's all your fault. you bitch!"mapipintang niya sakin.
Sa inis ko sinabi ko na kasalanan niya dahil sinabihan ko na nga siyang umalis ay nagpumilit pa rin siya. Ayan tuloy kawawa siya.
Ako pang sinisisi niya eh yung boss ko naman ang may kasalanan ng lahat. Ang dame dameng girlfriend.
Nginitian ako ng mas magandang babae pero inismiran ko lang siya. Kala niya kakampi ko siya? Duh! Pare pareho lang sila. Dahil sa ginawa ko tinaasan niya ko ng kilay. Sus! Bitch din yun eh.
Sinabihan ko ang mga guards na ilabas ang dalawa dahil naeeskandalo na kami. Nagmakaawa pa yung dalawa kay boss pero di niya pinakinggan at nakatingin lang sakin. ayun alam ko ng ako na naman ang may kasalanan. ako naman lagi eh. Inirapan ko siya at umalis sa pwesto ko. Kailangan ko din mag ayos no! Sinabunutan kaya ako kanina.
"Cory on my office now!" Sigaw niya bago ako makalayo.
Rinig ko ang malakas na bagsak ng pinto kasunod ng sunod sunod na bulungan ng mga empleyado.
Inulit ng iba ang sinabi ni Sir sakin pero di ko sila pinansin. Banyo ang kailangan ko. bahala siya sa buhay niya. nakakasawa na rin maging sekretarya niya.
Nang pumasok ako sa opisina niya ay galit na galit na siya dahil nga di ko siya sinunod kaagad. Akala ko nga sesesantihin na ko pero hindi! tinambakan niya ko ng work kaya umabot ako ng alas otso. Bwisit siya buti sana kung with pay yun! Hindi tuloy ako nakapasok sa school. Bwisit siya! Sana masupot siya.
-Cory
BINABASA MO ANG
Dear Diary
ChickLitAko ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-abot ko nito ay may makikilala akong tao na siyang magiging bagong pangarap ko.