CHAPTER 1
Unang tapak pa lang ni AYA (MAYMAY ENTRATA) sa buhanginan ng Isla Fuentebella, itinalaga na niya ang sarili na mananatili siya sa islang iyon, no matter what.
Isla Fuentebella is her ultimate dream to live in.
Sariwang hangin, magandang kapaligiran, at tahimik na buhay.
Pero ang hindi kasama sa kanyang pangarap ay ang manatiling tauhan ng resort. She wants something, iyon bang wala siyang gagawin paggising sa umaga kundi ang mamasyal sa tabing-dagat pagkatapos ng isang masarap na agahan sa terasa ng kanyang magandang bahay.
Pagkatapos ay walang pakialam sa mundong maglalangoy siya sa dagat ng paroo’t parito, hanggang sa siya ay mapagod at magpapahinga na siya nang padapa sa dalampasigan habang nagsa-sunbathing.
At siyempre pa, kasama sa pangarap niya na may mga palad na hahaplos sa kanyang likod habang nilalagyan siya ng lotion upang hindi masunog ang kanyang maganda at malasutlang balat.
At ang palad na iyon ay ang palad ng lalaking kanyang pakakasalan, ng lalaking mayaman na pakakasal sa kanya at magbibigay ng kaginhawahan sa buhay at karangyaan.
Then, kapag nainip naman siya sa isla ay maglalambing siya rito at magyayayang magtu-tour around the world para siya malibang.
At siyempre pa, ang mga cute nilang anak ay may tig-iisang yaya kaya hindi niya poproblemahin ang mga ito kapag out of the country sila ng kanyang husband.Anyway, ang lalaking iyon ay puwedeng pinoy, pero mas maganda kung foreigner, para siguradong dollar ang hahawakan niyang pera.
Napahagikgik siya sa isiping iyon.
Hay, ang sarap siguro nang mayaman. Hindi ko kailangang magmadali sa paggising sa umaga, hindi ko kailangang —
“AYA!”
“H-ha?” Maang napalingon siya sa may-ari ng tinig na tumawag sa kanya. “O, Liza, ikaw pala.” Napangiti siya nang malingunan ang dalagitang malapit sa kanila ni Elisa.
“Anong ginagawa mo rito sa tabing-dagat?” Naupo sa tabi ni Aya ang dalagita habang hawak ang basket na puno ng sigay at kung anu-anong klaseng kabibe.
“Ano pa, de nangangarap. Ikaw, ano na naman ang ginagawa mo rito? Hindi ba’t nagpunta sa kabayanan ang papang mo para magtanong kung magkano ang matrikula mo sa darating na pasukan?”
“Oo.” Malungkot na tumanaw sa malawak na karagatan si Liza.
“O, eh, bakit hindi ka sumama? Aba, ikaw ang mag-aaral, dapat ay alam mo ang course na kukunin mo.”
“Para kasing hindi ako interesadong umalis sa isla. Ayokong mag-dorm sa kabayanan kapag nag-aaral na ako.”
“Ano? Aba, Liza, dapat ay —”
“Alam ko. Kaya lang, hindi na masarap mag-aral ngayong wala na si Quen.”
“Susme! At iyon pala ang ipinagsisintir. Aba, Liza, kung nawala ang kababata mo rito sa isla, dapat ay kalimutan mo na siya. For sure, maraming makikilalang girls sa Manila ang isang iyon. Eh, ikaw, nabubulok ka lang dito sa isla.”
“Kasi, mahal ko siya.”
“Mahal? Anong mangyayari sa pagmamahal? Hindi ka naman niya mahal.”
“Mahal niya ako.”
“Bilang kaibigan?”
“Oo.”
“Kaya mag-aral ka at maghanap ng magmamahal siya hindi bilang kaibigan lang, kundi bilang ka-ibigan. At puwede ba, ha? Iyong mayaman para naman makaahon ka na sa kagagawa ng mga kuwintas at bracelet na kabibe, okay?”
“Ikaw talaga, pati ito ay napagdiskitahan mo.”
“Kasi naman, tuwing magkikita tayo, iyang basket mo na lalagyan ng mga sigay at kabibe ang dala mo, eh.”
“Dito kasi ako kumikita.”
“Sabagay. O, hayun, may foreigner, alukin mo ng necklace.”“Sige.” Nagmamadaling tumayo si Liza upang habulin ang mag-asawang foreigner na patungo sa dagat.
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanfictionKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...