CHAPTER 28
“Sorry, hindi ko mapigilan.”
Ilang sandaling namagitan ang katahimikan sa kanila.
“John…”
“Hmm…?”
“G-gusto mo bang sabihin ay… nililigawan mo ako?”
Napalingon ito sa kanya.
“Bakit? Hindi pa ba halata?” walang kangiti-ngiting tanong nito.
“A-akala ko kasi’y ginagawa mo lang halimbawa ang –”
“Ito ang hindi halimbawa, Aya.” Pagkawika niyon, biglang kumabig ang braso nito sa batok niya, kasunod niyon ay naglapat ang mga labi nila.
Nanlalaki ang mga matang napatitig sa bilog na buwan si Aya. Oo nga at liberated siya, pero never pa siyang nahalikan ng lalaki.
At bakit nga hindi, wala pa talagang lalaki ang nakakapasa sa mataas na standard niya sa pipiliing hahalik sa kanya.
Pero si John, ang lakas ng loob nito, ni walang pahintulot, ni walang paalam…
Naramdaman niyang napapapikit ang kanyang mga mata.Gusto niya ang init na nagmumula sa mga labi nito, lalong gusto niya ang mga kiliting nabubuhay sa kanyang mga ugat dahil sa mabining paggalaw ng mga labi nito sa bibig niya.
Ilang sandali, iyong pakiramdam na nalalasing ang kanyang diwa dahil sa pangahas na paghalik na nito sa mga labi niya ay damang-dama niya.
“Aya…” bigkas nito nang saglit na tumigil sa ginagawa at matiim na tumitig sa kanyang mukha. “Kung nagagalit ka sa ginawa ko, sampalin mo ako. Hindi ako magagalit. Pero kung hindi, please, ipadama mo sa akin.” Pagkawika niyon ay muli nitong inilapit ang mukha sa mukha niya, pagkuwa’y muling naging pangahas ang mga labi.
Muling natulala sa kawalan ang dalaga.
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanfictionKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...