52

281 17 0
                                    

CHAPTER 52

“Oo naman. Kaya nga pinadalhan kita ng mga bulaklak. Alam kong paborito mo ang mga white roses.”

“Salamat. Pero gusto ko pa ring malaman mo na bago ako lumagay sa ganyang sitwasyon, gusto ko munang masiguro na ang iiwan kong pamilya rito sa Pilipinas ay nasa mabuting kalagayan.”

“Walang problema, Aya. Mahalin mo lang ako, ililipat ko sa pangalan mo ang mansiyon na nabili ko sa Valle Verde. Doon mo patirahin ang pamilya mo.”

“Wow! Okay ‘yan, ah!”

“So, tinatanggap mo na ba ang pag-ibig ko?”

Ngumiti si Aya, saka nilaru-laro ang kopitang may lamang champagne.

“Iisipin ko pa.”

“Aya –”

“Gusto ko munang makasiguro. Well, kung naiinip ka na, bahala ka.”

“Hindi — hindi ako naiinip. Nakahanda akong maghintay sa kasagutan mo.”

“Good! Anyway, excuse me, ha? Punta lang ako sa restroom.”

“Sure.”

Naiiling na nangingiti si Aya habang patungo sa restroom.

May tatlong araw pa lang niyang nakikilala si Tanner, pero nangungulit nang makuha ang kanyang pag-ibig.

No way! Hindi muna ako magpapaloko sa mga lalaking kagaya ninyo.

Sisiguruhin ko na bago ko siya sagutin, nasa pangalan ko na ang mansiyon na sinasabi niya. Hindi na ako papayag na muling magoyo at masaktan. Tutal, lokohan ang laban, so be it! Ang mahalaga, mahango ko sa hirap ang pamilya ko.

Matapos mag-retouch ng make-up sa restroom ay lumabas na si Aya. Pero ang totoo, wala siyang balak na balikan si Tanner sa restaurant.

Hahayaan niyang magmukhang tanga ang Amerikanong iyon.

Mas gusto niyang matulog na. Maaga ang duty niya bukas, kailangang magising siya nang maaga.

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon