CHAPTER 41
“Aya, ayoko ring malayo sa iyo. Kaya lang, kailangan nating maging practical. Kailangan mo ang trabaho mo rito, hindi ba? At ako man ay ganoon din. Babalik ako.”
Napasibi si Aya.
“Hey, huwag kang ganyan! Mahihirapan din ang kalooban ko kapag maiisip kong ganyan ka rito.”
“K-kailan ka ba aalis?”“Bukas din. Ikaw naman ay mag-report na sa trabaho mo. Makikita mo, malilibang ka. Ilang araw lang ay narito na ako.”
“Hmp!” Padabog na tinalikuran ni Aya ang binata.
“Aya…” Masuyo siyang niyakap ni John. Kung nagkataong ibang babae ang kasama nito, never itong nanuyo kapag tinotoyo ang babae. “Unawain mo naman ako, o. Mahalaga talaga ang luluwasin ko sa Manila.” Maliliit na halik sa kanyang balikat ang iginawad nito. “Pero pangako, kapag bumalik ako ay hinding-hindi na ako aalis.”
“T-talaga?” Nagmamaktol pa rin na hinarap niya ito.
“Oo.”
Napahikbi siya.
“O, iiyak pa. Halika nga.” Pagkawika niyon ay inangkin nito ang mga labi niya, kasunod ay isang mainit na pagniniig ang kanilang pinagsaluhan.
Pakiwari ni Aya, inubos na rin ni John ang lahat ng lakas at pananabik sa kanya. Madaling-araw na siyang pinatulog ng binata.
LUMILIWANAG pa lang sa dakong-silangan ay padaong na sa pampang ang bangkang sinasakyan nina Aya at John.
Kailangang walang makakita sa kanila.
Pagkadaong ng bangka sa kubling batuhan ay masuyo nitong inalalayan sa pagbaba ang dalaga.
“O, paano, dito na muna tayo maghihiwalay, ha?” masuyong wika ni John.
“O-oo. T-talaga bang aalis ka na mamaya?”
“Oo. Huwag ka nang umiyak, babalik ako agad.”
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanfictieKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...