20

283 18 0
                                    

CHAPTER 20

“Uy, inspirado dahil na-promote.”

“Siyempre naman. Teka nga pala, bakit ba narito ka? Inaabala mo naman ako, eh. Saan ka ba naka-assign?”

“Sa lobby. Pero may nagpapaabot kasi sa iyo nitong maliit na papel.”

“Ha?” Nagulat pa siya nang ilagay nito sa palad niya ang isang nakatuping papel. “Kanino galing ito?”

“Ewan ko. Iniabot lang sa akin ni Jerome, iyong guard na nakatalaga sa main entrance. May nakikisuyo raw na ibigay sa iyo.”

“Ganoon?” Nagtatakang sinipat niya ang nakatuping papel na naka-stapler pa. “Ano kaya ito?”

“Ewan ko. O, sige, punta na ako sa puwesto ko.”

“Sige.” Kunot-noong inalis niya ang pagkaka-stapler niyon.

“Birthday ko ngayon, baka naman puwedeng maimbitahan kang kumain mamaya kapag off ka na? Doon lang sa ihawan ng barbeque sa labas. Please…? — John…”

Apat na letra lang ang pangalang nakalagda, pero tila may ginising na kung ano sa dibdib ni Aya ang munting paanyaya na iyon.

John, bakit ba kasi bigla kang dumating sa buhay ko? Bahagyang lumamlam ang mga mata niya at wala sa loob na napatingin sa labas ng dingding na salamin ng hotel.

He was there, nakatanaw sa kanya, bahagya pang kumaway kasabay ng isang simpatikong ngiti.

Simple lang ang dapat niyang gawin, irapan ito at itapon sa kalapit na trash can ang maliit na papel.

Baka akala ng lalaking iyon, komo nailigtas siya sa killer-maniac na si Tyler, okay na sa kanya na makipaglapit dito.

Pero bahagya siyang ngumiti kasabay nang marahang pagtango.

Kitang-kita niya nang lumuwang ang ngiti sa mga labi ng binata saka napasuntok sa hangin.

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon