19

274 18 0
                                    

CHAPTER 19

“B-buti alam mo na ang pangalan ko.”

“Oo naman, sinabi ni Liza, ‘yong dalagitang nakatali sa puno.” Humakbang na ito palapit sa kanya. “Kumusta? May masakit ba sa iyo?”

Napatitig siya sa mukha ng binata. Dama niya ang kalakip na pag-aalala sa tinig nito.
“W-wala naman. Okay na ako talaga. Paano, salamat na lang, ha? Babalik na ako sa hotel.”

“Sige.” Bahagyang napalis ang ngiti sa mga labi nito.

Tumalikod na siya at humakbang palayo rito.

Pero bakit may pakiramdam siyang ayaw pa niyang matigil ang pakikipag-usap dito?


Bakit parang gusto niyang kulitin siya nito na mag-usap pa sila?

ILANG araw na ang nakararaan mula nang mangyari iyon, pero pakiramdam ni Aya, may bahagi ng kanyang pagkatao ang nanlumo.

Dati ay naghahanap ang mga mata niya ng lalaking posibleng maging daan sa katuparan ng kanyang mga pangarap, pero ngayon, tila hindi na mahalaga sa kanya iyon.

Tapos na ang leave niya kaya naman balik-trabaho na naman siya. And this time, mas seryoso siya sa pagtatrabaho.

At dahil na rin sa pangako ni Cora na mapo-promote siya, bukod pa sa kahit paano ay nakatulong siya sa pagkakadakip ng killer-maniac na nakapasok sa resort, nataas na ang posisyon ng dalaga kasabay ng umento sa sahod na thirty percent.

Isang malaking konsolasyon na iyon para sa dalaga.

Mag-iipon na lang ako. Baka sakaling iyon pa ang maging daan para naman umasenso ako, naisip niya. Sabagay, kung darating ang inaasam kong prince charming na hahango sa akin sa pagka-cinderella ko, hindi ko kailangang maghanap at gumawa ng paraan.

“Uy, seryoso siya,” pabulong na biro ni Baninay, kasamahan niya dati na receptionist, ngayon ay siya na ang over-all supervisor ng mga chambermaid.

“Ha? Ah, may iniisip lang ako.”

“Talaga? Ano kaya iyon?”

“Wala lang, naisip ko lang na panahon na talaga para magseryoso ako sa trabaho. Baka sakaling tumaas uli ang ranggo ko,” pabirong wika niya rito.

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon