CHAPTER 166
,,,KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT,,,
Habang nag uusap ang apat, tanaw na tanaw ni Kisses mula sa Units na inupahan.
Hindi siya basta basta nag papatalo ng labanan, ngayon palang nag sisimula para maningil, kong nagawa niyang sirain ang mga buhay nila mas magagawa niya ngayon.
" hahahaha, kong ang inaakala niyong patay na ako jan kayo nag kakamali, ang sabi nga nila masamang damo mahirap mamatay wahaahahaha" lakas ng tawa, parang bruha humithit ng sigarilyo. Tumalikod na ito mula sa bintana maya maya ay pinag masdan ang sarili sa malaking salamin.
" humanda kayo, pag babayarin ko kayong lahat sa ginawa niyo sakin, babawiin ko ang dapat sakin, babawiin ko ang anak kong si Tristan" naningkit ang mga mata sa galit.
" hanggat nandito sa balikat ko ang Piklat na ito, uubusin ko kayong lahat" tumawa ulit na parang baliw.
...Flash back...
" hoy, mag trabaho ka, wag kang mag reyna reynahan dito! " tinapon ng mayura kay kisses ang basahan. Tinitigan niya ng matalim ang babae.
" ano, lalaban ka, lalaban ka,( hinablot ang suot na damit ni kisses) hoy hindi ka reyna dito para umasta ng ganyan, hala sigi umpisahan mona kuskusin ang kubeta, tapos mamaya labhan mo to" pabagsak na itinapon ng mga kasama ng mayura ang dalawang basket na puno ng mga maruruming damit.
Nang makitang nag iinarte si kisses, isinubsub ng babae sa baol ng cr.
Nanlaban si kisses pero dahl marami ang mga kasama ng mayura. Ginulpi nila pinag tutulongan nilang paluin.
Nag ka da sugat sugat ang katawan ni kisses.
" aray ko, dahan dahan naman" napa aray ng maramdaman ang hapdi, ginamot ng kasamahan niya.
" Sa susunod kasi para di kana masaktan, sundin mo na lang gusto nila, saka wag mo rin silang patulan, wala kang laban sa kanila, gropo nila malakas yan sa mga guard. "
Hindi na lang nag salita si Kisses.
Linggo ang lumipas naka upo si kisses tapos ipinatawag ng mayura. Sumunod naman siya.
" Bakit" yamot nitong tanong ng makita ang nakahilata ang matabang babae parang baboy sa paningin ni kisses diring diri.
" Mayura, Tawag mO sakin, pwd ba matutu kang gumalang, lumapit ka dito,,, dito umupo ka" itinuro ang sahig.
Nanatiling nakatayo si Kisses.
" Ano ba,,, ang sabi kO umupo ka dito, masahiin mO nga paa kO" utos ng matabang babae.
"Ang tigas talaga ng ulo ng babaing to, nanggigil ako sayo,,, ayaw mong sumonod pwes,,,, kayo na bahala jan"
Hinawakan ng dalawang babae ang braso ni kisses at tinalian nila ang bibig.
,,,, ITUTULOY,,,,
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanficKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...