CHAPTER 14
Nagigising na siya,” wika ng isang tinig.
“Ate Aya!”
Nagmulat ng mga mata si Aya.
“L-Liza?” Nag-uulap pa rin ang kanyang paningin.
“O-oo, Ate Aya, ako ito. Kumusta ka na?” Marahan nitong hinaplos ang pisngi niya.
“M-masakit ang ulo ko. A-anong nangyari?” Napalingap siya sa paligid.
May kasama pala silang tatlong unipormadong pulis, may isang doktor at isang nurse din. Naroon si James at Luis, nakikipag-usap sa mga pulis.
“N-nahuli na ang serial killer-maniac na iyon, Ate Aya,” naiiyak na wika ni Liza.
“T-talaga? P-paano? Hindi ba’t—”
“B-bago ka pa niya nalaslas sa leeg, may mamang pumalo sa kanyang ulo. Nabuwal siya pero buhay pa. Nasalo ka ng mama at matapos ka niyang ilapag sa lupa ay ako naman ang pinawalan niya.”
“S-sinong mama ‘yon?”
“Ewan ko, narinig ko lang na tinatawag nila ito ng John. Tapos ay itinali niya si Tyler at humingi siya ng tulong kaya nahuli na ang gagong iyon.”
“God!” Muli siyang kinilabutan sa isiping muntik na siya sa kamay ng killer na iyon. “Bakit naman kasi sumama ka sa kanyang pumasok sa loob ng kasukalan?” Pahinamad na naupo siya sa kama habang pasulyap-sulyap sa gawi nina Luis.
“K-kasi, akala ko mabait siya. Pinakyaw kasi niya ang tinda kong kuwintas kahapon. Tapos, binigyan niya ako ng malaking tip. Iuuwi daw niya sa kanilang bansa ang mga iyon at susubukang ibenta.”“Kahapon pa pala, bakit hanggang kanina ay magkasama kayo?”
“K-kasi, gusto niyang magkuwentuhan kami sandali sa batuhan. Marami raw siyang ikukuwento sa akin na inspiring success stories. Iyon bang kagaya ko na mahirap lang, tapos ay biglang umasenso. Akala ko talaga, mabait siya. Tapos, noong nag-uusap na kami sa batuhan, bigla siyang nagyaya na maglakad-lakad daw kami habang nagkukuwentuhan,” pahikbing wika ni Liza.
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanfictionKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...