47

279 17 0
                                    

CHAPTER 47

NAGKULONG sa kanyang silid si Aya. Wala siyang pakialam kung oras pa ng kanyang trabaho.

How dare you, John! Bakit mo ako niloko? Anong ibig sabihin nito?

Ngunit hindi yata siya makakapayag na napagmukha siyang tanga ni Edward. Kung nakaalis man ito, she has to do something.

Kahit si Luis, o si James, dapat ay makausap niya ang mga ito. Anong pakialam niya kung ito ang mga boss niya?

Imposibleng walang alam ang dalawa.

Now she’d realize. Set-up ang pagdadala sa kanya ni Edward sa yate!

Matapos pahirin ang luha, inayos niya ang sarili. Nagsuot siya ng maayos na damit. Pagkuwa’y diretso siya sa opisina ni Luis.


“I’ve told you, kumplikado yang ginagawa mo.”

Bahagyang naudlot sa gagawin sanang pagkatok si Aya nang maulinigan ang boses ni Luis.

“Yeah. Pero anong magagawa ko, narito na ‘to?”

Napakagat-labi si Aya nang makilala ang boses ni John.

“Ngayon, paano mo aayusin ‘yan’ Tiyak na manggugulo si Kisses kapag nakita ka. At tiyak na mabubuko ka na ni Aya.”

“Kaya nga aalis na muna ako rito sa isla habang narito pa ang babaeng yon, eh.”

“Hah! At paano kung hindi umalis? Kanina nga lang ay nang-away na ng chambermaid dahil lang sinabing hindi ka kilala.”

“Tiyak na kapag nalaman niya ang pinaggagawa mo ay aawayin ka niya.”

“Napaka-impulsive naman kasi ng babaeng yon.”

“Kasi, pinagtataguan mo.”

“Because I don’t like her anymore. Ang sama ng ugali niya. Napakaselosa at demanding.”

“Kaya naging selosa, masyado mo siyang pinaibig. Hayan, nang mahulog sa iyo nang husto ay iniiwasan mo na.”

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon