CHAPTER 38
“Okay lang naman kahit pareho tayong walang trabaho, hindi ba? Ang mahalaga, magkasama tayo.”
“John!”
Natawa nang malakas ang binata.
“Nagbibiro lang ako. Basta mag-file ka ng leave, samahan mo ako rito sa yate.”
“Pero –”
“Akong bahala, walang makakaalam na narito ka.”
“S-sigurado ka?”
“Oo. Ano, magpa-file ka na ng leave?”
“S-sige, titingnan ko bukas kung papayagan pa ako. Kababakasyon ko lang, eh.”
“Papayagan ka, sigurado ako.”
“Sus! Para namang siya ang may-ari ng resort.” Inirapan niya ito.
Hindi na niya napansin na bahagyang umilap ang mga mata ni John. Hindi niya alam na may nasaling siyang katotohanan sa sinabi niya.
“Basta mag-file ka na ng leave, ha?” Pagkuwa’y malambing itong yumakap sa kanya.
“S-sige, kung iyon ang kahilingan mo.”
“Salamat!” Pagkawika niyon ay isang mabilis na halik sa kanyang mga labi ang iginawad nito. “Hindi mo ito pagsisisihan, Aya.” Pagkuwa’y muli nitong inangkin ang mga labi niya.
Na agad niyang tinugon. Afterall, ano pa ba ang dahilan kaya lubusan siyang nagtiwala sa pagsama rito kahit saan?
She wants to be with him all the time, to be kissed by him….
ANG MAALAB na halik na pinagsasaluhan nina Aya at John ay dito humantong. Sa malamig at saradong silid sa ibaba ng yate. Sa malambot na kamang sumalo sa naglalagablab nilang katawan na kapwa nahubaran na ng saplot.“Aya…” Saglit na huminto si John. “Kailangan kita,” anas nito habang namumungay ang mga mata.
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanfictionKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...