44

278 17 0
                                    

CHAPTER 44

“Yes, Ma’am.”

Nang magsialis na ang mga chambermaid ay napabuntong-hininga na lang si Aya.

Mahirap talagang maging mahirap. Mababa ka na nga, tatapakan ka pa ng mga taong kagaya nila. Bigla ay naalala niya ang pangarap na makapag-asawa ng mayaman.

Ngayong nahulog na siya nang husto sa charm hi John, wala na talaga siyang pag-asa na yumaman.

Hindi bale, masaya naman ako sa pag-ibig niya, napangiti na lang siya sa naisip. Pero bigla rin siyang nalungkot nang maalalang ilang araw din niyang hindi makikita ang katipan.

Babalik siya, alam ko, babalik siya.

MARAMING guest ang dumating pa ng araw na iyon, naging abala na si Aya sa pag-aasikaso sa trabaho ng mga chambermaid. Ang hindi niya inaasahan ay ang masalubong ang babaeng sinasabi ni Aura na lider daw ng matataray na grupo.

“Hey, you!” tawag-pansin nito sa kanya habang nakatunghay siya sa memorandum na galing kay Luis.

“Yes, Ma’am,” magalang ang ngiting sumungaw sa mga labi niya kahit pa gustong tumaas ng kanyang kilay. Ang babaeng nakatayo habang nakapamaywang sa kanyang harapan ngayon ay walang dudang ismarte at sopistikada ang dating kahit pa one piece swimsuit na pinatungan ng tapis ang suot.

At sa pagkakataas ng kilay nito habang taas-baba siyang tinitingnan na animo bacteria siya na sinusuri sa ilalim ng microscope, parang gusto niyang kabahan.

“Itinuro ka sa akin ng isang bellboy na siya daw supervisor ng mga chambermaid, totoo ba?” animo reynang tanong nito.

“Ah, yes, Ma’am. Anything I can do for you, Ma’am?” Pilit pa ring nagpakahinahon si Aya.

“Yes of course! Lalapitan ba naman kita kung wala akong kailangan?”

Gusto na niyang bulyawan ang babaeng kaharap.

“A-ano po ‘yon, Ma’am?”

“Pagsabihan mo ang mga chambermaid mo, ha? Lalo na yong nagngangalang Aura. Masyadong bastos sa mga guest.”

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon