22

304 19 0
                                    

CHAPTER 22

"Iyon, o. Masarap ang barbeque ni Manang Ali. Diyan ako bumibili ng meryenda. Tapos sabayan natin ng inom ng sabaw ng buko.”

“Okay.”

“Halika doon sa mahabang bangko.” Turo nito sa isang bangko na nayuyungyungan ng payong na gawa sa kawayan.

“Sige.”

Barbeque on stick at sabaw nga ng buko ang pinagsaluhan nila, pero ewan ni Aya, pakiramdam niya ay kaysarap-sarap ng kinakain nila.

Dahil kaya sa mataginting na halakhak ni John kapag may nasasabi siyang nakakatawa? O, dahil sa naaaliw siyang masdan ang guwapo nitong mukha kapag nagtatama ang mga mata nila?

Kahit na ano pa ang dahilan, saglit niyang nakalimutan na hindi pasado si John sa mga criteria na isinet-up niya para sa lalaking hanap niya.

“PASYAL naman tayo doon, o,” turo ni John sa dulo ng dalampasigan na malayo sa karamihan.

“Ha? Ang layo na niyon, ah.” Bigla niyang naalala ang pagyayaya ni Tyler kay Liza na mamasyal sa dakong iyon noong isang gabi.

“Bakit, natatakot ka ba sa akin?”

“Ha? H-hindi. Kaya lang, ano naman ang gagawin natin doon?”

“Wala lang. Maingay kasi rito. Isa pa, naroon ‘yong bangkang ginagamit ko, pasyal kita sa paligid ng isla.”


“H-ha?” Exciting! naisip niya.

Sa totoo lang, hindi pa talaga siya nakakaikot sa kabuuan ng isla kahit magdadalawang taon na siya roon.

Pero sa bangka siya sasakay, ngi!

Ang pangarap sana niya ay maglibot sa paligid ng isla na ang sasakyan niya ay lantsa, o kaya naman ay natatanaw niyang nasa di-kalayuan na The Iron Eagle Yatch.

“O, ano, halika na?” untag nito sa kanya.

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon