CHAPTER 5
"Sir, paano nga ho pala kung siya ang lumapit? I mean, kung magtaka kung bakit ako umiiwas at sundan-sundan ako?"
"Lumayo ka at huwag na lang siyang pansinin. Ibig sabihin kapag kinulit ka niya ay talagang ikaw na ang naiispatan niya na biktimahin. At siguradong magsasawa iyon kapag umiiwas ka na at maghahanap na lang ng bagong mabibiktima."
"Sige ho."
"Good! So, confidential ang usapan nating ito, ha? Hindi mo babanggitin sa kanya na may mga matang nakasubaybay sa kanya habang nagbabakasyon siya dito sa resort?"
"Oho naman."
"Good."
Nang makaalis na si James, natulala na lang sa kawalan ang dalaga.
Hmp! Wala pa yata talaga akong swerte na makatagpo ng lalaking hahango sa akin sa kahirapan, himutok niya.
Nagkulong na lang si Aya sa kuwarto niya maghapon. Malapit nang dumilim ng may kumatok sa pinto.
"Sandali!"
Para lang magulat nang mapagbuksan niya ang isang lalaking akala niya ay hindi na muling makikita.
"Good afternoon, Ma'am, titingnan ko po ang tubo ng banyo at shower ninyo," nakangiting wika nito.
"H-ha? Bakit?" nakataas pagdaka ang kilay na tanong niya.
Mabilis na humagod sa kabuuan nito ang kanyang tingin.
Kagaya noong isang araw, sandong puti na hakab sa katawan ang suot nito. Pantalong maong na kupas at may sira sa tuhod.
Pero ewan ba niya, bakit hindi nakabawas iyon sa taglay na karisma ng lalaking ito.
"Ah, ako ho ang bagong tubero rito, utility man at puwede na ring boy. Iniutos ho sa akin ni Mr. james na i-check ang lahat ng tubo at wire ng bawat kuwarto."
"Pero wala namang diprensiya ang mga tubo rito at -"
Check-up lang ho talaga. Baka raw ho kasi may mga kalawang na o leak ang tubo. Sa ibang suite ho kasi ay mahina raw ang akyat ng tubig."
Hindi niya gusto ang ideyang papasok sa silid niya ang lalaking ito, lalo na ang isiping isa lang pala talaga itong boy, tubero, mahirap na tao, pero ano ba ang choice niya? Order pala iyon ng amo.
"S-sige, pumasok ka." Niluwangan niya ang bukas ng pinto at bahagyang umiwas sa daraanan nito.
"Salamat ho."
Pero hindi sapat iyon para hindi niya malanghap ang mabangong sabon na ginamit nito.
Bagong paligo ito, for sure. Pero walang ginamit na anumang mamahaling pabango. And yet, parang ang sarap nitong langhapin.
Pinigil niya sarili na mapapikit.
"Ah, Ma'am, saan ho ang banyo?" biglang baling nito sa kanya.
"H-ha? Ah, that door!" Biglang tumaas ang kilay niya. Bigla kasi siyang nag-alala na baka nakita nito na namumungay na ang kanyang mga mata dahil sa nalanghap ang bango at lalaking-lalaki nitong amoy.
"Ah, salamat ho." Humakbang na ito patungo roon. Nanatili naman siyang nakatayo sa may pinto at sinadyang huwag isara iyon.
Hah! Baka mamaya ay maloko pala ang isang ito at kapag isinara ko ang pinto ko ay kung ano ang maisipang gawin sa akin. Nakataas pa rin ang kilay na humalukipkip siya at sumandal sa gilid ng pinto.
Natatanaw niyang nasa loob ng banyo ang lalaki, may kinakalikot, may mga gamit na tumutunog, pero wala siyang pakialam.
Boy lang siya, tubero, hmp! Sayang talaga! bulong ng kanyang isip.
Pero nasulyapan niya ang mamasel nitong braso na bahagyang natatanaw buhat sa pinto.
Oh my! Ang macho talaga niya! Parang ang sarap yumakap. Bigla niyang naipilig ang ulo. How dare you, Maymay Entrata! Para ka namang hindi nakakakita at nakakaharap ng macho.
Ilang sandali pa ang lumipas, naiinip na siya at nangangawit.
"Matagal pa ba 'yan?"
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanficKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...