Ending of part One
Nagtatanong ka pa?” asik niya gayung hindi naman umaalis sa pagkakasiksik sa dibdib nito. “Pinaglaruan mo na naman ako!”
“Sweetheart, hindi totoo ‘yan. Hindi kita pinaglalaruan, okay?” Masuyo nitong itinaas ang baba niya upang magtama ang mga mata nila.
“At anong tawag mo sa ginawa mong ito? Pinatunayan mo na naman na kayang-kaya mo akong paglaruan sa mga palad mo! N-na kaya mo akong pasunurin sa lahat ng sasabihin mo! Na kaya mo akong –”
“Sshh!” Iniharang nito ang isang daliri sa mga labi niya. “Hindi kita pinaglalaruan, okay? Ako ang napaglaruan mo, Aya.” Malamlam ang mga matang tumitig ito sa kanya.
“Aba’t ako pa ang –”
“At anong tawag mo sa nangyari sa akin sa ilang araw na pag-iwas mo? God! Para akong mababaliw sa tuwing maiisip ko na baka mapasagot ka na ng Tanner na ‘yon. Baka sumama ka na sa kanya at mawalan na ako ng pagkakataong makapagpaliwanag sa iyo. Kung puwede nga lang na lunurin ko na ang lalaking iyon tuwing lalapit sa iyo, ginawa ko na. Pero ang mas higit na parusang nadarama ko ay kapag naiisip kong hahawakan ka niya. Nobody can touch you, can hold you and kissed you except me. Dahil kapag nagkaroon, papatayin ko sila.”
“Hmp! Ang OA mo, ha?” Inirapan niya ito. Pero ang totoo, unti-unti na namang nalulusaw ng mga salita nito ang pagdaramdam sa kanyang puso.
“Siguro nga. At tama ang sabi nina Luis, tulingag ang mga lalaking Barber kapag natutong magmahal. At mahal na mahal kita, Aya. Wala na akong pakialam kung mayaman ang gusto mo para lang mahalin mo rin. Ang mahalaga, akin ka lang. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo, ibibigay ko sa iyo.”
“Tse! Hindi ko kailangan ang pera mo!”
“At anong kailangan mo?”
Dahan-dahan niya itong sinulyapan, in a seductive way.
“Ikaw…” malambing niyang anas. “Ang pag-ibig mo, ang mga yakap mo, ang halik mo. Kahit magdildil ako ng asin, basta mahal kita.”
“Talaga? Naniniwala ka na sa akin na hindi ko sinasadyang magpanggap sa iyo? Na kaya ko lang itinuloy iyon dahil akala ko’y hindi mo pansin ang –”
“Kiss me more, John, make love to me again, saka mo sagutin ang sarili mong tanong.”
Napangiti si Edward. Isa iyong kahilingan na hindi nito ipagdadamot na ibigay sa kanya.
Lalo pa at damang-dama nito ang pangangailangan niya…“Oo ba. By all means, Sweetheart…” Pagkuwa’y muli silang natahimik.
Sa labas ng yate kung saan tinangay ni Edward ang dalaga, unti-unting lumakas ang pag-alog ng yate, hindi dahil sa lumakas ang alon, kundi dahil sa…
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanficKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...