CHAPTER 51
“Bakit ka nagulat? Akala mo ba’y hindi ko alam?”
“S-si MaCcoy ay hindi ko naman –”
“And how about Nikoo? Hindi ba’t nakipag-one night stand ka sa kanya?”
“K-kasi’y –”
“Get out of my life, Kisses. Kahit na anong habol ang gawin mo sa akin, wala na tayo. Alam ko naman ang dahilan mo sa paghahabol sa akin, eh. As of now, nakabaon sa utang ang papa mo. Natalo siya ng milyong halaga sa casino, right?”
“Edward!”
“Reliable ang source ko, hindi ako lolokohin. And besides, kahit na hindi ko nalaman ang tungkol doon, talagang wala kang aasahan sa akin.”
“How dare you?”
“Yes, how dare me. So, get out of my life. Hindi ako ang lalaking hinahanap mo na magsasalba sa nalustay na kayamanan ninyo.”
“You’re going to pay for this!” Galit na umalis si Kisses.Ngunit balewala kay Edward ang galit na iyon ng babae. Si Aya ang nasa isip niya. Litong hapasuklay ang mga daliri niya sa sariling buhok habang napapabuga sa hangin.
“Edward, halika muna sa office. Pag-usapan natin ang problema.” Inakbayan ni Luis ang pinsan upang dalhin sa loob.
Tila batang nalilito na naging sunud-sunuran na lang siya rito.
MATAGINTING ang halakhak ni Aya habang kausap si Mr. Tanner, isang amerikanong guest ng resort.
“Talaga, Tanner? Gusto ninyo akong dalhin sa Amerika at pakasalan?” nakangiting wika ni Aya sa wikang ingles.
“Oo naman. You’re so beautiful, Aya. Ikaw ang pangarap kong makasama habang buhay. Kasabihan ang mga Filipina bilang mahusay at mapagmahal na maybahay. Kaya nga narito ako sa Pilipinas. Naghahanap ako ng babaeng magiging pangalawang ina ng mga anak ko.”
“Aba, Filipino custom, manligaw ka muna bago kita sagutin.”
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanfictionKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...