55 SPG Ulit hahaha

443 23 4
                                    

CHAPTER 55

"AYA…”

“H-ha?” Napaawang ang kanyang bibig, huling-huli siya sa ginagawang pagtitig dito. “Hayup ka!” At kailangan niyang ‘magalit’, cover-up sa pagkapahiya. “Anong ginawa mo sa akin? Bakit narito ako?” Galit na pinagbabayo niya sa dibdib ang binata.

“Aya, sandali!” maagap naman nitong nahuli ang mga kamay niya. Pagkuwa’y walang anumang itinaas iyon sa kanyang ulunan at idinagan ang katawan sa kanya.

“Hayup ka! Anong ginawa mo sa akin?”

“Wala! Anong gagawin ko sa iyo?”

“Hudyo ka! Nagtatanong ka pa, hayan at nararamdaman ko, nakahubad ka! At nakahubad din ako!” kandaiyak na wika niya.

“Pero wala akong ginawa sa iyo… wala pa,” namimilyo nang wika ng binata na marahang humagod ang paningin sa kanyang mukha, patungo sa leeg, hanggang sa dibdib na ngayon ay nalantad na sa paningin nito dahil naalis ang kumot na nakatakip sa kanilang katawan.

“Damn you! At ano pa ba ang dapat mong gawin sa akin? Wala ka ng karapatan na –”

“Sshh!” Saka nito inangkin ang mga labi niya.

No! sigaw ng kanyang utak habang pilit na iniiwas ang mukha sa mukha nito.

Ngunit masigasig si Edward. Binitiwan nito ang mga kamay niya at ang mukha niya ang inipit ng mga palad. Tuloy ay sakop na sakop ng mga labi nito ang mga labi niya.

Hindi! Ayoko! Pilit pa ring nagwawala si Aya kahit damang-dama niya na tuluyan nang nakapasok sa loob ng kanyang bibig ang humahalihaw nitong dila.

Gayunpaman, hindi naman niya magawang kagatin iyon.

Baka masaktan si Edward.

Isa pa, bakit bigla yata ay gusto niyang aminin sa sarili, she missed his kissses, his hug…?


Iyong pakiramdam na nanghihina na ang lahat ng depensa niya sa katawan ay damang-dama niya. Hanggang tuluyan siyang manlata sa panlalaban.

Hanggang hinayaan na lang niyang magpakasawa ito sa pag-angkin sa mga labi niya… hanggang aminin niya sa sarili… gusto na niyang tugunin ang mapusok nitong halik.

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon