CHAPTER 36
"SAAN tayo titira?” malambing na tanong ni John habang yakap si Aya.
Naroon sila sa isang kubling batuhan at nakaupo habang magkayakap.
“Bahala ka, kahit saan? Basta huwag mo na lang akong iiwan, ha?”
“Oo nga. Kaya lang, talaga bang kaya mong magtiis ng hirap sa piling ko?”
Bahagyang tumingala si Aya dito.
“Ano ka ba naman? Sinabi ko na sa iyo, hindi ba? Nakahanda akong magtiis, basta —”“Oo na. O, sige, halikan mo na lang ako para maniwala na ako tagala,” malambing na hiling ng binata.
Napangiti si Aya.
“Oo ba.” Pagkawika niyon, siya na ang kusang umabot sa mukha nito upang maglapat ang mga labi nila.
Aya… Pakiwari ni John, nawala na naman siya sa sarili ngayong yakap niya ang dalagang ambisyosa.
John, I love you… bulong ng puso ni Aya habang tuluyan na niyang pinahulagpos ang mga inihibisyon sa katawan.
She kissed him hard, she kissed him gently, she kissed him in a more passionate way para ipadama rito ang kahandaan niyang talikuran ang lahat, just to be with him all her life.
At hindi siya nabigo, naging mapusok ang paghalik ni John sa kanya, mas marubdob, mas mapaghanap.
Ilang sandali nilang inibsan ang pananabik sa isa’t isa sa ilang araw na paninikis sa kanilang sarili.
“Balik ka na muna sa hotel,” mayamaya ay wika ni John.
“Hindi ba’t oras pa ng trabaho mo?”
“O-oo. K-kaya lang, baka umalis ka na kapag –”
“Aya, ano ka ba naman? Hindi ako aalis, okay? At paano ako aalis, nakaalis na ang chopper?”
“O-oo nga, kaya lang –”
“Hindi ako aalis, hindi kita iiwan. Ngayon pa ba naman ako aalis, ngayong alam kong akin na ang pag-ibig mo?”
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanfictionKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...