CHAPTER 4
SHIT! Nakuyom ni Johnny Barber ang kamao habang nakasilip sa binocular.
Naroon siya sa The Iron Eagle Yatch at kasalukuyang minamanmanan ang kanyang target na subaybayan. Hindi niya alani ang panganib na kanyang hinaharap sa pakikipaglapit sa lalaking iyon!
At ewan kung bakit, kumukulo ang dibdib ni Johnny sa isiping halatang nagpi-flirt ang babaeng kausap nito ka Tyler.
I have to do something. Baka malingat lang ako ay malaslas na ang leeg ng babaeng iyon.
Sukat sa isiping iyon, bumaba ng yate ang binata at lumipat sa bangkang nakatali sa gilid niyon.
Pagkuwa’y sumagwan siya upang makadaong sa pampang.
Habang palapit siya sa dalampasigan, palapit naman siya nang palapit kay Tyler at sa babaeng kausap nito.He’s eyes focus to that familiar face na kahapon ay umagaw ng kanyang atensiyon hindi lang dahil sa taglay niyong ganda, kundi dahil sa pabagu-bagong reaksiyon na naging dahilan kaya nilapitan niya ito. Naisip nga niya kahapon, sayang naman ang babaeng iyon, luka-luka yata.
Pero ngayon, hindi na siya nanghihinayang, nag-aalala na siyang talaga. Lalo na at natanaw niyang tumayo na si Tyler at magalang na inilahad ang palad sa babae.
Nakangiting tinanggap naman iyon ng babae at sabay na silang naglakad patungo sa hotel.
Shit! Paano ako lalapit sa babaeng iyon na hindi makakahalata?
“AH, SI MAYMAY ENTRATA?” wika ni James nang makita ang babaeng kausap ni Tyler. “Regular employee siya ng resort natin. Nasa bakasyon lang siya ngayon kaya gagala-gala. So, anong problema sa kanya?”
“Hindi mo ba nakikita, masyado siyang malapit kay Tyler? Bawat sandaling mamalagi siya sa tabi nito ay nalalagay sa panganib ang kanyang buhay.”
“Johnny, relax. Kaya ka nga nakasubaybay sa german na ‘yan, dahil sa dala niyang panganib sa resort, hindi ba? Aba, mahina kang detective kapag nakalusot sa iyo ang isang ‘yan.”
“James, napakadulas ng hayup na iyon. Ilang beses na siyang nakakalusot sa mga pulis na nagbabantay sa kanya noong nasa Boracay siya. Ilang babae ang natagpuang patay ngunit hindi man lang nahuli sa actual ang gagong ‘yon. Iyon ang ikinatatakot kong mangyari sa Maymay Entrata na ‘yon.”
Natigilan si James.
“Kung kausapin ko si Aya? After all, she’s our employee.”
“You do that?”
“Of course. Para rin naman sa kanya ‘yon, eh.”
Ilang sandaling nag-isip si Johnny.
“Paano kung hindi siya makinig sa iyo?”
“Kailangan niyang makinig.”
“Paano kung sabihin niya kay Tyler na may nagmamanman dito?”
“Hindi niya gagawin iyon. Natural na nasa management pa rin ang kanyang loyalty.”
Muling nag-isip si Johnny.“Sige, kausapin mo siya.”
“SIR?” Nanlaki ang mga mata ni Aya nang malaman ang bagay na iyon.
“Yeah, kaya para rin sa kaligtasan mo, you have to stay away from that german national. Under surveillance ang lalaking iyon dahil sa ilang ulit na pagpatay sa mga babaeng nakikilala niya sa mga beaches na pinupuntahan. Napakatinik lang kaya hindi nahuhuli,” kaswal na wika ni James. “Actually, mas prefered niya ang mga dalagita. Medyo may pagka-pedophile siya. Pero dahil siguro nagkakilala kayo, kaya napunta sa iyo ang kanyang atensiyon.”
Nanlumo si Aya. Akala pa naman niya ay makaka-hook na siya ng matabang isda.
“Oh, God! Hindi ko alam!” Kilabot na kilabot siya sa isiping maling lalaki pala ang namataan niya.
“So, didistansiya ka na sa kanya mula ngayon?”
“O-oho,” nakayuko ang ulong tumango na lang siya.
“Good!”
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanfictionKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...