CHAPTER 37
“A-AKALA ko ba, mamamangka lang tayo?” maang na tanong ni Aya nang makitang palapit sila sa yateng nakadaong sa malayo sa isla.
“Nang sabihin ko kasing babalik ako sa trabaho ko, sinabi ni Sir James na dito na lang niya ako itatalaga sa yate. Wala raw kasing bantay dito kaya ibinigay sa akin ang susi. Halika,” yaya nito matapos itali ang bangka sa nakausling bakal ng yate.
“Eh, bakit isinama mo ako rito? B-baka malaman niyang nagdala ka ng babae rito, lagot ka.” Tinanggap niya ang palad nito.
“Hindi, wala namang ibang pupunta rito na hindi itinatawag sa radyo.
“Ganoon?”
“Oo, kaya halika na.”
Walang nagawa si Aya kundi sumunod sa paghakbang nito papasok sa yate.
“Wow!” Napahanga siya nang mamalas ang kabuuan ng yate.Parang nasa loob siya ng isang magarang sala sa nabungaran. Mamahalin ang sofa na naroon. Kumpleto sa mamahaling kagamitan.
“Nagustuhan mo ba?”
Hindi agad nakakibo si Aya.
Isa ito sa buhay na pangarap niya. Ang matikman ang sarap ng buhay habang nakasakay sa isang magandang yate.
“Oo naman. Ang ganda, ano?” Parang batang nagpaikut-ikot sa kabuuan ng pinakasala si Aya.
“Oo. Gusto mo bang tumigil ng ilang araw dito?”
“Ha?” Napalingon siya sa binata. May fondness na nakasungaw sa mga mata nito.
“Naisip ko lang kasi, tutal ay ilang linggo akong mamamalagi rito, samahan mo ako.”
“Ano? Okay ka lang? Paanong –”
“Mag-file ka ng leave, tapos ay dito tayo. Walang makakaalam na narito ka.”
“John! Baka pareho tayong matanggal sa trabaho kapag –”Ngumiti ang dalaga. Pagkatapos niyang magpakababa sa paghabol dito, walang hihilingin si John na hindi niya ibibigay.
Oh, how she loved this man in an unconditional way.
“S-sa iyo ako, John, katawan at kaluluwa,” namumungay ang mga matang wika niya.
“Oh, Aya!” Tuluyang nakahulagpos ang natitira pa sanang pagtitimpi ng binata.
Muli itong gumalaw, this time, sigurado na ang nais gawin.
Mariing napakagat-labi si Aya, palatandaan na nasasaktan siya.
“Aya, okay ka lang?”
Minsan pang ngumiti ang dalaga kahit nasasaktan.
“I-I’m okay. I-ituloy mo.”
“Pero nasasaktan ka.”
“M-mas masasaktan ako kung hindi mo itutuloy.” Pagkuwa’y humigpit ang yakap niya sa batok nito, then she pushed her body para maramdaman ni John na nakahanda siya sa sakit na mararamdaman basta para sa ikaliligaya nito.
Sukat doon ay muling nabaliw si John, itinuloy nito ang nasimulan na. Hanggang
kapwa na sila humihingal na nakarating sa nais puntahan…
KAGAT-LABING bahagyang sinulyapan ni Aya ang mahimbing na si John.Payapang-payapa ang binata sa pagtulog. Malalim na ang paghinga nito, and yet, tila may nakapagkit pang ngiti sa gilid ng mga labi.
John Montero, ikaw pala ang lalaking itinakda na pagkalooban ko ng lahat-lahat sa akin. Pero kahit ano ka pa, hindi ako nagsisisi. At least, isang hagay ang napatunayan ko. Mas mahalaga ang pag-ibig sa mundong ito kaysa anupamang bagay na material sa mundo.
Sukat sa isiping iyon, nangingiting isiniksik niya ang sarili sa malapad na dibdib ng binata.
“Hmm…” Naalimpungatan si John.
“Tulog ka pa, Sweetheart, pahinga ka.” Saka niya inilapat ang hubad na katawan sa katawan nito.
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanfictionKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...