142 Si Esabell Ay Si Rebecca

281 13 2
                                    

CHAPTER 142

" Mr Zeus,  Nasaan ang anak namin ni Aya" ang tanong ni john.

" Sumagot ka,  pls prang awa mona" nag mamakaawang umiiyak si Aya.

Lumapit naman ang dalawang bata si tristan at Rebecca.

" daddy Anong nangyayari bakit umiiyak si Mommy" tanong ni Becca.

" Anak makinig ka sakin,  my sasabihin ako sayo,  sana pagkatapos kong sabihin to  di mag bago ang pag mamahal mO sakin bilang Ama"

" Opo Daddy"

" Samantha,  John ang anak niyo si Becca, Siya ang batang iniwan sakin non ni Lola pina,  patawad hindi ko alam wala akong alam na siya ang hinahanap niyong sanggol"

" what? Db ang sabi mo sakin noon anak niyo ng yumaong asawa mO?  Bakit ka nag sinungaling sakin,  wala kang kasing sama Zeus" isang malakas na sampal ang inabot ni Zeus mula kay Samantha.

" Patawad cupcake,  patawad, oo aminin ko nag kamali ako dahil sinabi kong anak ko si Becca,  nong mga panahon mapasakin si Becca isang linggo pagkatapos mamatay ang mag ina ko,  nanganak noon ang asawa ko di nakayanan ang panganganak namatay ang bata sa loob ng sinapupunan niya.  Hindi na rin naisalba ang buhay ng asawa ko.  Nang dumating sa buhay ko si Becca nag karoon ako ng buhay,  siya ang naging buhay ko kahit nawala ang mag ina ko si becca ang pumalit at lalo na ng matagpuan kita,  hindi ko maatim na pabayaan ka lalo sa kundisyon ng buhay mo noon,  maniwala ka sakin Cupcake wala akong balak na masama,  sana maintindihan mo ako,  lagi mong sinabi sakin na si Becca ang gumagamot sa pag ka wala ni Esabell ganon din nararamdaman ko, kayo ang gamot sa pagkawala ng mag ina ko.  Minahal ko kayo Cupcake,  minahal ko kayo" Naiyak si Zeus.  Sino nga ba mag aakala na si Becca at Samantha ang magiging gamot sa lahat ng sakit na naramdaman dahil sa pagkawala ng kanyang asawat anak.

Naging malinaw na rin sa kanila ang lahat,  papano na ngayon si Zeus at Samantha kasal na,  papano si john,  ay ang gulo na talaga.  Di na bali ang mahalaga buhay si Esabell.

" Patawad,,,, "

" Zeus,  Wag ka ng mahabag ang mahalaga ligtas ang anak namin at nag papasalamat ako sa ginawa mong pag kupkup noong panahon nawala ako,  kasalanan ko ang lahat nang dahil sakin kaya nangyari sa kanila,  Aya Sana Mapatawad mo ako sa nagawa ko,  ako dapat ang nag dusa sa mga naramdaman mO, Esabell anak lumapit ka rito"

Lumapit si Becca.

" Becca, ikaw ang anak namin ni mommy Samantha mo,  ikaw ang hinahanap namin sanggol noon,  patawarin mo kami anak" umiyak si john,  yumakap ang bata at lumapit si Aya yumakap sa kanila.

Bakit ganon ganon na lang nag laro ang tadhana sa kanila. 

Kaya naman pala sa bawat araw oras na nakakasama ni Samantha si Becca iba ang nararamdaman,  kaya naman pala mabilis siyang naka recover mula sa pagkakabaliw.  Tunay na anak pala nito si Becca.

Rebecca ang pangalan itinawag ni Zeus kay Esabell yon sana ang ipapangalan sa anak nila ng kanyang asawa.

.... ITUTULOY....

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon