31

285 19 1
                                    

CHAPTER 31

“PERO bakit?” maang na tanong ni Luis habang kapwa sila nakasilip sa siwang ng venetian blind. Si James ay nakaupo sa swivel chair.

Naroon sila ni John sa opisina ng una at nag-iinuman.

“Wala lang. I just want to teach her a lesson, hindi ba? Gusto kong malaman niya na hindi natuturuan ang puso na huwag magmahal sa maling tao.” Madilim ang mukha ni John habang nakatanaw kay Aya na papasok na sa quraters ng mga empleyado ng resort.

“We already know that. Pero bakit pati sarili mo ay tinitikis mo?” wika ni James na tumayo na rin.

“Come again?” kunot-noong tanong ng binata.

“Gusto mo rin siya, hindi ba?”

“Oo. Kaya nga napagtuunan ko siya ng pansin, eh. But it doesn’t mean na sisirain ko na rin ang patakaran ko na no commitments involve. Isa pa, sinabi ko na naman sa inyo na hindi ko naman siya iisahan. Hindi ko sisirain ang pagkababae niya.”

“Johnny Edward Montero, ang labo mo rin. Gusto mo siyang bigyan ng leksiyon na matuklasan niyang hindi natuturuan ang puso na magmahal sa maling tao, and yet, mas ikaw yata ang dapat turuan ng leksiyon dahil sa nakagawian mong pangwawasak ng puso ng may puso.”

“James, wala akong winawasak na puso. My women come and go, pero alam nila kung saan sila nakatayo sa buhay ko. And they’ll go for it.”


“At si Maymay Entrata, alam ba niya kung saan siya nakatayo sa buhay mo? Hindi ba’t pinaasa mo siya, pinaringgan ng matatamis na salita, ng mga kuwentong nagpalusaw sa kanyang puso? Isa iyong panlilinlang, Edward,” sabat ni Luis.

Natigilan ang binata.

“Yeah, maybe. Kailangan kasi, eh.”

Napailing na lang si James.

“Alam mo, parang nakikini-kinita ko na ang mangyayari sa iyo kapag nakauwi ka na sa condo unit mo sa Makati.”

“Ano ‘yon?”

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon