18

285 16 0
                                    

CHAPTER 18

Demanding sa oras niya, selosa, nagger at higit sa lahat, may pagkakataong may kalakip na pagbabanta ang tinig nito kapag napag-uusapan ang salitang hiwalayan.

“So, paano mo aayusin ‘yan? Baka mamaya ay biglang sumugod dito ang babaeng ‘yon?”

Saglit ha nag-isip si John.

“Okay, I’ll call her gamit ang cellphone ko. Sasabihin kong nasa Amerika ako, o kahit na saang bansa. Pangangakuan ko na lang na uuwian ko siya ng pasalubong para mapanatag.”

“Do that. Baka mag-eskandalo rito ang babaeng iyon.”

“Yeah!” Pero hindi pa man, nag-aalala na si John. Baka hindi kumagat sa plano niya ang babae.

ABALA si John sa pagtatali ng bangka sa isang nakausling kahoy sa dalampasigan. Abala rin si Aya sa pag-aaral sa anyo nito habang hindi pa siya napapansin nito na papalapit.

Well, talagang macho siya. No wonder isang palo lang niya kay Tyler ay tumba na ang gagong iyon. Parang hindi na rin niya nakikita na pantalong sira sa tuhod at sandong hakab sa katawan ang suot nito.

“J-John…” tawag niya rito nang makalapit na.

Dahan-dahan itong lumingon.

“O, Aya, ikaw pala? Kumusta ka na?” Pagdaka ay simpatikong ngiti ang sumungaw sa mga labi nito.


“Ah, o-okay na. G-gusto ko lang magpasalamat sa iyo sa nagawa mo kagabi. Kung nagkataon ay patay na sana ako ngayon.”

“Wala ‘yon. Nagtaka lang kasi ako kung bakit ganoon ang reaksiyon mo habang hinahabol ‘yong dalawang papasok sa kadawagan. Kaya naman naisip kong sundan ka. Buti na lang, kung nagkataon ay nalaslas na ng gagong iyon ang makinis mong leeg.” Saka ito sumulyap sa gawi ng leeg ni Aya.

Gayunpaman, hindi nakalampas sa paningin niya na padaplis ding dumaan sa gawi ng malusog niyang dibdib ang paningin nito.

Pero sa halip na mainis, lihim na lang siyang napailing.

Pilyo talaga ang lokong ito, naisip niya saka siya napangiti.

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon