CHAPTER 39
“Aya…” Ngunit tila naman si John na ang tuluyang nagising. Nagmulat ito ng mga mata habang humigpit ang yakap sa kanya. “Ang init ng katawan mo, Sweetheart.”
“Oo na, matulog ka na!” natatawang hinaplos niya ng kamay ang dibdib nito.
“Ayoko nga!” Sa isang mabilis na pagkilos ay nagawa nitong pumaibabaw sa kanya.
“John!” Napasinghap siya nang maramdaman ang bigat nito kasabay nang pagkadama sa nagising na bahagi ng katawan nito.
“Sshh! Matapos mo akong gisingin, patutulugin mo ako. No way! Wala tayong tulugan, ano?” Saka nito siniil nang halik sa leeg ang dalaga, sa dibdib.
Napatili sa kiliti si Aya, ngunit mayamaya lang ay natahimik na siya, kasunod niyon ay ungol na lang ang namutawi sa kanyang bibig.
MATAPOS humingi ng leave si Aya ay agad siyang nagpunta sa tagpuan nila ni John. Muli silang sumakay ng bangka patungo sa yate.
At sa pagkamangha ni Aya, “Wow! This is life, John!” Parang batang nakadipang umiikot sa kabuuan ng pinakasala ng yate si Aya. “Biruin mo, narito tayo sa magandang yate, para tayong mga don at donya na nagbabakasyon.”
Nangingiti namang pinapanood lang ni John ang dalaga. May fondness na nakasungaw sa mga mata ng binata habang nakamasid sa kanya.
Aya, bakit ganito ang pakiramdam ko? Pakiwari ko’y hindi na rin ako mabubuhay ng masaya kung hindi ikaw ang kasama ko.
Natigilan naman si Aya nang mapasulyap rito.“Hey! Bakit mo ako pinagmamasdan, ha?” Natatawang lumapit siya rito at malambing na yumakap.
“Wala lang, natutuwa lang ako dahil kahit paano ay naipatikim ko sa iyo ang ganitong klaseng buhay.” Seryosong tinitigan ni John ang magandang mukha niya. “Pero pagkatapos nito, hindi mo kaya hanap-hanapin ang –”
“Sshh! Ano ka ba? Wala akong hahanapin, okay? Maliban sa pag-ibig mo.”
“Talaga?” Napangiti na ito.
“Opo! Kaya kung ako sa iyo, simulan mo nang ipadama sa akin ang pag-ibig mo. At gusto ko, mas espesyal kaysa kagabi, ha?”
“Aya!”
“O, napatunganga ka? Masyado ba akong agresibo?” natatawang nilaru-laro niya ang gilid ng mga labi niti.
“Hindi naman. Gusto ko nga ‘yon, ang lambing mo. Kaya paano pa ako hihiwalay sa iyo?” Pagkawika niyon ay inangkin na nito ang mga labi niya.
Na agad niyang tinugon.
At kagaya kagabi, muli nilang pinagsaluhan ang init ng pag-ibig.
At nang mga sumunod na gabi, at kahit sa araw, wala silang pakundangan sa pagpapadama ng pag-ibig sa isa’t isa.
Tuluyan nang kinalimutan ni Aya ang mataas na ambisyon, ang mahalaga, nasa tabi niya si John Montero.
At si John, nakalimutan nitong ang lahat ay isang palabas pa rin. Pakiwari ng binata, siya talaga ang nahulog sa patibong na siya ang may gawa.
Makubli lang sa pinto si Aya, nagagahol na siya sa paghanap. Magising lang siya na wala sa kanyang tabi ang dalaga, hungkag na hungkag ang kanyang pakiramdam.
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanficKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...