CHAPTER 40
kahit na gaano pa sila kasaya, darating at darating ang sandaling haharapin nila ang katotohanan.
“Tapos na ang leave mo, pinababalik na rin ako ni Sir James sa Isla. Katatawag lang niya sa radyo kanina. Paano na ito?” pabuntong-hiningang tanong ni John habang magkayakap silang nakahiga sa kama.
Napataas ang ulo ni Aya at bahagyang tinitigan ang mukha ng binata.
“Anong paano?”
“Ang ibig kong sabihin, kailangan ko na talagang bumalik sa Manila.”
“H-ha?” tuluyang napabangon ang dalaga. “A-akala ko ba’y hindi mo ako iiwan?” May lumakip na pagdaramdam sa tinig niya.
“Oo. Kaya lang, kailangan kong umuwi muna sa Manila dahil may mga aasikasuhin akong mahalagang bagay. Pero babalikan kita.”
“John…” Napahikbi siya. Kahit nangangako ito na babalikan siya, still, ayaw maniwala ng kanyang puso.
“Aya, makinig ka. Babalikan kita. May aasikasuhin lang ako.”
“Sasama ako.”
“Ha? Paano ang trabaho mo rito?”
“Bahala na. Itutuloy ko na lang ang leave ko.”
“Aya, hindi puwede. Baka matanggal ka na.”
“Kahit na.”
Ilang saglit na natitigan ni John ang mukha niya.
“Bakit, iniisip mo bang hindi kita babalikan?”
“H-hindi sa ganoon. Kaya lang, mami-miss kita.”
“Tatlo o apat na araw lang akong mawawala. Sa palagay mo ba’y hindi kita mami-miss?”... Itutuloy bukas.....
Maligo na mona ako hahaha gabi na 5:19 pm na.
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanfictionKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...