34

276 21 0
                                    

CHAPTER 34

JOHN…” bigkas ni Aya habang nakatayo sa harap ng binata.

“Aya, bakit?” mahinang tanong nito habang malamlam ang mga matang nakatitig sa kanya.

Magkaharap sila sa bahaging iyon ng dalampasigan at tila walang pakialam sa mga taong napapatingin sa kanila.


“P-paalis ka na pala, h-hindi ka man lang nagpaalam sa akin?” may kalakip na pagdaramdam na wika ni Aya.

“Kasi’y –”

“B-bakit mo ako iiwan?”

“Ha? Ah –”

“S-sabi mo, kapag naramdaman kong kaya kong ipagpalit ang pangarap ko sa iyo, sabihin ko lang. B-bakit aalis ka?”

Hindi pa rin makahagilap ng salita si John.

Alam ng binata, sa mga sandaling iyon ay maaaring nakasilip sa kanya sina James at Luis. Tiyak na nakikita ng mga ito ang eksena nila ngayon ni Aya.

“Akala ko kasi’y… ayaw mo sa akin. Ilang gabi akong nag-aabang sa iyo sa dalampasigan. Alam ko naman na nakikita mo akong nakatingala sa bintana mo, hindi ba?”

“O-oo. K-kaya lang, hindi kasi ako makapagpasya kung isusuko ko ang pangarap ko. P-pero kagabi, bumaba ako, wala ka na.”

“Kasi’y –”

“S-sumuko ka na sa paghihintay sa akin?” Bahagyang pumiyok ang boses ni Aya, bahagya rin siyang napasibi at tila batang gustong umiyak.

Tila sinuntok ang dibdib ni John sa nasaksihan. Kung dahil sa guilt, o sa anupaman, ewan ng binata. Ang alam nito, gusto nitong yakapin sa mga sandaling iyon si Aya, ikulong sa mga bisig at aluin habang hinahaplos ang mahabang buhok.

“Natatakot kasi akong lalong masaktan.” Damn you, Johnny Montero! Ikaw mismo ay hindi na alam kung kailan ka nagsasabi ng totoo o hindi! asik nito sa sarili.

“J-John, huwag mo naman akong iwan, o.”

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon