CHAPTER 30
Naroon si John sa isang malapad na batuhan, nakaupo, nakatingin sa gawi ng bintana ng kanyang silid na tila ba hinihintay na dumungaw siya.
John, huwag mong gawin sa akin ito! Pabigla siyang napaalis sa bintana at litong nagbalik sa kama. How dare you! Wala kang karapatang guluhin ako!
Malakas na katok sa pinto ang pumukaw sa kanya.
John! Napasiksik siya sa headboard sa pag-aakalang ito ang kumakatok.
“Ate Aya!”
" Liza, sandali!” Dali-dali niyang binuksan ang pinto.
“Hi, Ate Aya!” nakangiting mukha ng dalagita ang napagbuksan niya.
“L-Liza, ikaw pala, bakit nakabihis ka yata?”
“Aalis na ako.”
“H-ha? Saan kapupunta?”
“Sa Manila. Mag-aaral ako roon. Naisip ko kasing hindi ako para rito sa isla. Kailangan kong mangarap para malimot kong iniwan ako ni Quen dahil alangan ang kalagayan namin sa buhay.”
“Liza!”Mapait na ngumiti ang dalagita.
“Pasensiya ka na, ha? Gusto ko lang magpaalam sa iyo kaya kahit gabi na ay kumatok pa rin ako.”
“Wala ‘yon. Kung umalis ka na hindi nagpapaalam sa akin, magtatampo ako.”
“Alam ko naman ‘yon, eh.” Umiiyak na yumakap sa kanya si Liza.
“Ingat ka sa Manila, ha? Mas maraming gago roon? Huwag kang magpapauto sa mga lalaki, lalo na ‘yong kagaya ni Tyler.”
“Oo. Ikaw rin, ingat ka rito.”
“Oo naman. Sige na, lakad ka na.”
“Sige.”
Malayo na si Liza ay nakatanaw pa rin siya rito.
Kung tutuusin, pareho lang naman nila ni Liza na mahirap at may ambisyon. Pero ito, natuto lang mangarap dahil nasaktan na ang batang-pusong nagmamahal.
Samantalang siya, natuto munang mangarap, pero ngayon ay nasasaktan…
ILANG gabi ring nadudungawan ni Aya si John na nakatingala sa tapat ng bintana niya. Ilang gabi rin niyang kinakalaban ang sarili na lumabas ng kanyang silid upang puntahan ito sa dalampasigan.
Alam kasi niya, sa sandaling nilapitan niya si John, iisa lang ang kahulugan niyon. Isinusuko na niya ang kanyang pangarap. Nakahanda na siyang magdildil ng asin at kamatis sa hinaharap.
Pero mahirap palang kalaban ang puso. Isang gabi ay natagpuan ni Aya ang sarili na palabas sa kanyang silid, patungo sa dalampasigan kung saan maaaring naroon si John.
Pero wala si John sa batuhan na lagi nitong inuupuan.
Nagsawa na ba siya sa katatanaw at kahihintay sa akin?
Naghintay pa rin siya.
Ngunit hanggang lumalim na ang gabi ay walang John na dumating.
Nanlulumong bumalik siya sa kanyang silid.
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanfictionKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...