CHAPTER 25
Malamig kasi rito sa laot. Isa pa, wala namang masama sa ginagawa ko, ah. Sinisiguro ko lang na hindi ka na malulula kahit gumalaw ang bangka.”
“Hmp! Ewan ko sa iyo! Dapat yata ay hindi ako pumayag na sumama sa iyo rito sa laot.” Napairap na lang siya rito. Pero hindi pa rin niya magawang hilahin ang kamay na hawak nito.
“Aya…”
“O!” angil niya na sa ibang panig pa rin nakatingin.
“Sasagwan pa ba ako, o dito na lang tayo sa gitna ng laot?”
“H-ha?” Napilitan siyang lingunin ito.
“Dito muna tayo, ha? Ang ganda ng liwanag ng buwan, o. Parang tayo lang ang tinatanglawan.”
“B-baka tumaob ang bangka.”
“Hindi nga. Akong bahala. Ano, dito muna tayo, ha?”
“Bahala ka na nga!” Muli siyang nag-iwas nang tingin dito.Ilang sandali ang lumipas.
Mainit ang katawan ni John, damang-dama niya iyon. Matigas ang kalamnan ng mga braso nito, parang ang sarap magpakulong doon.
“J-John.”
“Hmm…?”
“B-bakit nga ba tayo tumigil dito?”
“Ha?” Saka ito natawa. “Wala lang. Para lang hindi mo maramdaman na gumagalaw ang bangka kaya tumigil ako sa pagsagwan.
“Hmp! Ang corny mo, ha. Halika na nga!”
“Saan?”
“B-balik na tayo sa isla.”
“Ayoko pa.”
“Bakit?” Muli niya itong sinulyapan.
“Gusto pa kitang makasama.”
“J-John!”
“Birthday ko naman, pagbigyan mo na ako.”
“Pero—”
“Alam mo, ngayon ko lang naramdaman ito,” tila wala sa loob na wika ni John. Nagsimulang gumala sa kanyang mukha ang paningin nito.
“A-ang alin?”“‘Yon bang pakiramdam na parang ayoko nang matapos ang sandaling kasama kita. ‘Yon bang parang gusto kong dito na lang tayo habang buhay.”
Corny, naisip ni Aya. Gusto rin niyang mainis dahil nagsisimula na itong magpalipad-hangin sa kanya.
Hmp! Sabi ko na nga ba, iisa ang motibo nang pagyayaya nito, naisip niya.
“J-John, hindi naman puwede ‘yon, eh,” wika na lang niya na muling nag-iwas nang tingin dito.
“Alam ko. Hindi naman ako bulag, eh. Kaya lang, ngayon lang talaga ako nakaranas nang ganito. Masyado kasi akong abala sa pagtatrabaho.”
Natigilan si Aya.
Abala sa pagtatrabaho? Saan? Sa pamamasukan bilang boy, tubero, at kung anu-ano pa?
“J-John, huwag mo sanang mamasamain ang pagtatanong ko, ha?”
“Hindi. Ano ba ‘yon?”
“Ah, b-bakit tubero at boy ang naging trabaho mo? A-ang ibig kong sabihin, may porma ka naman talaga. K-kahit sino ay hindi mag-iisip na ganoon lang ang trabahong nakuha mo.”
Ilang sandaling hindi kumibo ang binata. Nag-alala tuloy siya na baka na-offend ito.
“J-John…” Napilitan siyang muli itong lingunin. “O-okay lang kung ayaw mong sagutin ang—”
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
Fiksi PenggemarKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...