49

299 18 3
                                    

CHAPTER 49

“What do you mean?”

“What I mean is, magpapatuloy ako sa paghahanap ng lalaking mayaman. Tutal, iyon naman talaga ang agenda ko sa buhay. Pero ayoko sa kagaya mo. Mayaman ka nga, insecure ka naman sa sarili mo.”

“Aya, ano bang pinagsasabi mo? Okay, niloko kita sa parteng iyon. Nagpanggap akong mahirap dahil iyon na ang nasimulan ko dahil hawak ko ang kaso ni Tyler. Kailangan kong magpanggap na boy para hindi halata kapag dumidikit ako sa kanya. Pero –”

“It’s too late, John Barber. Wala na akong pakikinggan sa sasabihin mo. Wish me luck na lang para naman makatagpo ako ng hindi pekeng mayaman. Goodbye.” Akmang tatalikod na ang dalaga.

“No! You can’t do this to me! Wala kang karapatang maghanap ng iba dahil narito na ako. Tayong dalawa ang –”

“Ayoko na sa iyo. Natikman na kita.”

Napailing-iling si Edward.

“No, Mahal mo ako, hindi ba?”

“Noon, hindi na ngayon. Wala ka ng thrill, eh. Hindi na ako mae-excite sa pagsama sa iyo. Mayaman ka pala. Wala ng magic. Gusto ko ‘yong gugutumin ako pero bubusugin sa pagmamahal. O kaya naman, iyong mayaman talaga sa simula pa lang ay alam ko. Mas masarap paibigin ang ganoon, hindi ba? May thrill.”

“Stop it, Aya! Galit ka lang kaya –”

“Good day, Sir Edward!” Pahiklas na hinila ni Aya ang brasong hawak nito.

“No!” Ngunit maagap ang binata na nahila siyang pabalik. “Akin ka lang, Aya, akin!” Saka nito siniil nang halik sa mga labi ang dalaga.

Pilit na itinikom ni Aya ang mga labi. Hindi na siya papayag na matangay sa kapangahasan nito.

Tiniis niya ang mga sensasyon at kiliting hatid nang mapusok nitong halik.

“Bravo! Bravo!” Kasunod niyon ay palakpak.

Nabitiwan ni Edward si Aya.

“Kisses!”

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon