53

293 23 0
                                    

CHAPTER 53

“Aya…”

“John!” Bahagya pa siyang napaatras nang humarang sa daraanan niya ang binata. “Ano na naman ang kailangan mo?” asik niya na agad na nahamig ang sarili.

Araw-araw na siyang kinukulit ni Edward na makausap, at hindi niya ito pinagbibigyan. Sanay na siyang bubuntut-buntot ito sa kanya sa resort.

“Let’s talk.”

“Ng ano? Ng mga kuwento ng buhay mo? Ay, sorry, inaantok na ako. I’m tired.”

“Saan, sa pakikipagbolahan sa puting-unggoy na iyon?” Pagigil na hinawakan nito sa braso ang dalaga.

“Ay! Ano ka ba? Bitiwan mo nga ako!” Nabigla siya. Ngayon lang naging mapangahas sa kanya ang binata.

“Hindi! Mag-uusap tayo. And this time, kailangan mong makinig!”

“Ayoko nga! Bakit ba ang kulit-kulit mo? At saka bakit ka nag-eespiya sa ginagawa ko? Tapos na ang oras ng trabaho ko rito, wala ka nang pakialam kahit na ano ang gawin ko. Isa pa, itigil mo na ‘yang ilusyon mo na mahal kita, ha? Ang minahal ko ay ang John na mahirap, construction boy, tubero at kung anu-ano pang mahirap ang trabaho. Hindi si Johnny Edward  Barber na manloloko at mayaman.” Gigil na hinila niya ang braso at nagmamadaling humakbang palayo rito.

Ngunit hindi papayag si Edward na makalayo siya.

“Halika nga!” Muli nitong hinaltak sa braso ang dalaga.

“Aray! Nakakasakit ka na, ah!”


“Ako, hindi mo sinasaktan sa ginagawa mo, ha? Kung makatawa ka kapag kausap mo ang kano na iyon, labas ang ngala-ngala mo. At may pahampas-hampas ka pa sa braso niya, ha? Eh, kung ihampas ko kaya siya sa apat na sulok nitong hotel, ha?” Lalo naman nitong pinanggigilang pisilin ang braso niya.

“Aba, bahala ka! Pakialam ko sa inyo. At saka puwede ba, huwag ka ngang umarte na para bang boytriend, o asawa kita na nagseselos. Hindi bagay sa iyo, ano?”

“Damn it! Wala akong pakialam kung hindi bagay sa akin. Ang gusto ko ay sundin mo ang sinabi ko. Stay away from him. Baka mamaya ay kagaya siya ni Tyler na killer-maniac pala.”

KAPANTAY NG LUPA ANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon