CHAPTER 184
,,,KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT,,,
Samantala sa isang di kalayuan my isang nilalang na kanina pang pinag aaralan ang bawat taong pumapasok lalo na sina marco at kasama nito maging sina john at Aya.
Si Kisses, nakaupo sa isang Chair kasama sina Niel At Natalie, dahil sa masyadong busy ang mag asawa nag decide si niel na umupo mona sila.
Pero ang di niya alam kanina pa di mapakali si kisses, hindi alam na dito pala dadalhin ng asawa, sa party ng kanyang mga kaaway noon, pilit na kumakalma ayaw niyang manggulo, ayaw niyang sirain ang gabi ng anak nina john at Aya, ngunit nang makita si Tristan ang anak niya, gustong gusto na niya talaga lumapit, at yakapin ang anak at sabihin buhay siya na namiss niya subra. Tumulo ang luha pero mabilis niyang pinahid ayaw makita ng asawa.
Bigla nanlamig at nag pawis ng malagkit. Di mapakali.
" Love dito mOna kayo Lalapitan kO mona si Mr Barber" paalam ni niel.
" S-sigi " Tipid nitong sagot. Balisang balisa na siya.
Matagal na panahon di na inungkat ang nakaraan kahit na mag asawa na sila ni niel, binaun na niya sa limot ang mga taong dahilan ng kanyang pagbagsak.
Nakaupo sa dikalayuan ang yaya nina marco at vive, tinawag ni kisses.
" Dito kana maupo ms"
" Salamat po maam"
Maya maya sinubukan mag kipag usap ni kisses sa yaya at nang nakuha na nito ang kiliti, bigla niyang naitanong ang tungkol kina marco at vive pati na kay Tristan.
" Mabait pO ang amo kong lalaki, pati yong anak niyang si Tristan, balita ko ho anak ni sir sa ibang babae, kaso namatay raw agad, kaya nag asawa na muli si sir " ang kuwentu ng yaya.
" ganon po ba, sayang naman agad binawian ng buhay ang mama ni Tristan, ( lungkot na sabi nito) yong pong bagong asawa ng Boss mo, mabait din ba, Mabait ba kay Tristan? "
Matagal nakasagot ang yaya sa tanong ni kisses.
" Ayaw ko ho sanang makialam maam, saka masama po makipag kuwentuhan sa iba lalo na diko ho kayo kilala"
" Dont worry, matalik na kaibigan ako ni Marco, pero dahil matagal na kami hindi nag kikita wala na rin kami kuntakan sa isat isa " pag sisinungaling ni kisses makuha lang ang loob ng kausap.
" Masama Ho ugali ng asawa ni Sir, madalas ho noong bata pa si Tristan pinapalo, sinasaktan kapag wala sa bahay si sir, di pinapakain ang bata, hindi nakakapag sumbong ang bata. Tinatakot niyang papaluin kapag wala si Sir"
Biglang nakadama ng awa si kisses sa anak.
,,,, ITUTULOY,,,,
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanficKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...