CHAPTER 33
Gusto niyang humakbang pahabol dito, pero ano ang sasabihin niya.
Goodbye John, mahal kita, pero ayoko sa iyo, kasi hindi ka mayaman. Ayokong magdildil ng asin sa piling mo?
O kaya ay ito…
Huwag ka nang umalis, John, kasi mahal na kita, kahit mahirap ka lang. Nakahanda naman akong magdildil ng asin sa piling mo, basta magkasama lang tayo.
Napailing siya sa naisip.
Alinman sa mga iyon ang kanyang gawin, talo pa rin siya.
Hanggang nakarating na sa chopper si John ay hindi pa rin makagalaw si Aya.
Kapag tuluyang nakalayo sa kanya si John, saan pa ba niya ito hahanapin?
Maliban sa pangalan’ nito, sa kaalamang mahirap lang ito, wala na nga pala siyang alam sa ibang detalye ng pagkatao ng binata.
Ganoon siya nabaliw kay John, mahal na mahal na niya ito, and yet, hindi pa niya ito lubusang kilala.
John! Hanggang bumigay ang kanyang hibang na puso. Natagpuan niya ang sarili na humahakbang palabas ng hotel… upang habulin ang binata.
“Miss Entrata, saan ho kayo pupunta?” tanong ng guwardiyang si Jerome.
Ngunit sa halip na sagutin ito ay tuluy-tuloy na siyang lumabas patakbong palapit sa chopper.“John!”
Natigilan sa pagsakay ng chopper si Edward at napalingon. Kahit maingay ang ugong ng sasakyan ay narinig nito ang pagtawag niya.
“Aya!” Nagulat pa ang binata nang matanaw siyang tumatakbo palapit.
“Pinsan, ano ba? Alis na tayo!” wika ni Cristian na siyang piloto ngayon dahil on-leave si Wil.
Natigilan si John, pagkuwa’y kinambatan nito ang pinsan na umalis na. “Balikan mo na lang ako!” pasigaw nitong wika.
Dahan-dahan nang tumaas ang chopper.
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanfictionKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...