CHAPTER 8
Okay, that’s enough for me. I hope you can make it. Bye for now!”Bahagya pa itong kumaway.
“Y-yeah.” Nakangiwing kumaway din siya.Whoo! Ang hirap namang itaboy ang isang iyon. Hindi pa nakahalata. Humarap siya patungo sa hotel.
“Ay!” Para lang magulat nang mabangga siya sa malapad na dibdib ng kung sino.
“Oh, I’m sorry!” Naging maagap naman ang lalaki sa pagsalo sa kanya kaya hindi siya tuluyang nangudngod sa katawan nito.
“Ouch!” Pero bahagya palang natapilok ang kanyang paa kaya bahagya siyang nauyot.
“Hey, anong nangyari sa iyo?” nag-aalalang tanong nito.
Awtomatikong nagtaas ng paningin ang dalaga.
Then their eyes met.
It was two deep set of eyes, black, and she has that feeling na tagus-tagusan sa kanyang kaluluwa ang matiim na titig nito.
But still, tila siya nahihipnotismo at tila ayaw niyang ilayo ang paningin sa mga matang iyon.
Sa mga mata ng boy, tubero, at mahirap na pangatlong beses nang sumasanga sa kanyang landas.
“Nasaktan ka ba?” he said in a husky voice.
Tila musika sa pandinig niya ang narinig na boses.
“N-natapilok ako,” wika niya sa mahinang tinig na siya lang yata ang nakarinig.
“Halika sa batuhang iyon, hihilutin ko ang paa mo.” Saka nito tuluyang pinangko ang dalaga.
“Hey!” Saka pa lang parang naalimpungatan si Aya nang maramdaman niyang tila siya lumutang sa ere.
“Upo ka diyan.” Pagkalapag nito sa kanya ay agad na lumuhod upang hawakan ang kanyang paa. “Alin ba dito ang natapilok?”
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
ФанфикKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...