CHAPTER 29
Naghahamon ang tinig ni John, hinahamon ang kanyang katinuan, pero nag-aanyaya rin ito, inaanyayahan ang sensual na bahagi ng kanyang pagkatao.
Ang huli ang kanyang pinansin, ang pag-aanyaya nito sa sensual na bahagi ng kanyang pagkatao. Gusto niyang pagbigyan ang kahilingan nito na ipadama rito na hindi siya galit.Kusang bumuka ang kanyang bibig, hinayaang makapasok ang munting dila nito na ‘ nagsimulang , humalihaw sa loob. Nagsimula ring gumalaw ang kanyang mga labi, iyon ang intindi niya sa kahilingan nito, ang tugunin ang mapangahas nitong halik.
Matagal silang nagsalo sa matamis na halik na iyon, mayamaya ay marahang kumalas si John sa kanya. Pagkuwa’y may ngiti sa mga labing tinitigan ang kanyang mukha habang may kakaibang kislap ang mga mata.
“Salamat, akala ko’y sampal ang igaganti mo sa akin.”
“K-kasi’y—”
“Sshh!” Masuyong humarang ang daliri nito sa mga labi niya. “Wala namang eksplanasyon sa ginawa mo kundi isang bagay lang, hindi ba?”
“A-ano ‘yon?”
“Hindi ako basted, hindi ba?”
Napaawang ang bibig niya.
Hindi lang ito pangahas, masyado ring mabilis.
“J-John, hindi naman ibig sabihin na –”
“Ako ang unang halik mo, hindi ba?”
“H-ha? Paano naman nito nalaman?”
“Alam ko, hindi ka kasi marunong.”
Oh my God! Gusto niyang mamula.
“At gusto ko ‘yon. Ibig sabihin, ako lang talaga ang hinayaan mong makalapit sa iyo.”
“J-John, please lang, huwag ka naman sanang masyadong mabilis. N-nalilito lang ako sa nangyayari sa atin.”
“Pero Aya, bakit mo pinipigil ang sarili mo? Dahil sa mga pangarap mo?”
“No! Tigilan mo ako, John! Hindi mo alam ang pinagsasabi mo!”
Ilang sandaling napatitig sa kanya ang binata, mayamaya ay napabuntong-hininga na lang ito.
“Sige, hindi ako magiging mabilis. Hindi rin kita pipilitin na aminin sa akin na pareho lang tayo ng nararamdaman. Pagkagaling natin dito, pangako, didistansiya ako sa iyo. Bibigyan kita ng pagkakataong mag-isip.”
“H-ha?”
“Pero kapag naramdaman mong kaya mo akong ipagpalit sa mga pangarap mo, nasa paligid lang ako.” Pagkawika niyon ay nagsimulang sumagwan si John pabalik sa isla.
Naiinis si Aya, pakiwari niya, ginagamitan siya ni John ng reverse psychology.
Hmp! Bahala ka nga sa buhay mo! Akala mo ba’y susuko ako! Never! Nadala lang ako ng kapaligiran natin. Hindi ko dapat pangibabawin ang nadarama kong ito?BILING-BALIGTAD sa higaan si Aya, mayamaya ay mapapahaplos siya sa mga labing noong isang gabi ay hinayaan niyang halikan ni John.
Ah, ilang araw na bang hindi lumalapit sa kanya ang binata?
Apat na araw na.
At sa loob ng mga araw na iyon, isang bagay ang natiyak niya.
She likes him, in fact, mahal na yata niya ito.
Pero mahirap lang siya. Sawa na ako sa hirap. Sawa na akong magdildil ng asin. Mariin siyang pumikit.
Parang nakikita niya ang isang senaryo.
Magkaharap daw silang nakaupo ni John sa loob ng isang barung-barong, kasalo nila sa pagkain ang anim na maliliit nilang anak.
Ang ulam nila, dinildil na asin sa kamatis.
Oh my God! Sawa na ako sa asin at kamatis!
Napabangon siya sa higaan at humakbang patungo sa bintana.
John! Para lang magulat.
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
FanfictionKAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT Pangarap ni MAYMAY ENTRATA ( aka AYA) ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata si...